News

Home 5 2021 News 5 WASTE MANAGEMENT AT COVID-19 PROTOCOLS SA PRIBADONG SEKTOR ( Page )
WASTE MANAGEMENT AT COVID-19 PROTOCOLS SA PRIBADONG SEKTOR

Nagsagawa ng inspeksyon sina Municipal Administrator Cristina Perez, Executive Assistant Mel Salvador at Administrative Officer John Christopher Arandia sa Calaca Harvest Terminal Inc., Phoenix Petroleum, Calaca Industrial Seaport Corp. at Arvin International Marketing Inc. Layunin ng inspeksyon na matiyak ang maigting na pagsunod at pagpapatupad ng mga alituntunin hinggil sa waste management at health protocols kaugnay ng COVID-19 na ipinatutupad ng Pamahalaang Lokal ng Calaca ayon sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Nagsagawa rin ng inspeksyon ang Tanggapan ng Pambayang Kalusugan sa South Luzon Thermal Energy Corporation (SLTEC), Regasco, Pozzolanic Philippines Inc. (PPI) at South Pacific Inc. (SPI) upang matiyak ang pagpapanatili ng pangkalahatang kalusugan at sanidad sa mga kompanya dito sa Bayan ng Calaca. Nagkaroon din ng monitoring sa tubig, hangin at ingay ng kapaligiran ng bawat kompanya ang mga Sanidad.

Siniguro naman ng pamunuan ng mga nasabing kompanya ang kanilang pagtalima sa mga alituntuning ipinatutupad ng Pamahalaang Lokal. 

Sa inisyatibong ito ni Mayor Nas Ona sa panahon ng pagbangon, mahalaga ang kooperasyon ng bawat isa upang maiwasan ang paglaganap ng virus at mapanatiling malusog at ligtas ang Bayan ng Calaca. 

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

DENTAL CHECK-UP AT PPD SKIN TEST PARA SA DAYCARE CHILDREN

DENTAL CHECK-UP AT PPD SKIN TEST PARA SA DAYCARE CHILDREN

Naantala man ang ilang programa ng Pamahalaang Lokal ng Calaca noong nakaraang taon para sa mga Calaqueño, unti unti ang pagsasakatuparan ng mga ito ngayong taong 2021. Isa na rito ang programa para sa mga daycare students.  Binisita ng mga kawani ng Tanggapan ng...

ANI AT KITA NG MGA CALAQUEÑO, PROTEKTADO!

ANI AT KITA NG MGA CALAQUEÑO, PROTEKTADO!

Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Calaca ng Kagawaran ng Agrikultura sa layunin nitong masiguradong makakaabot sa mga masisipag na magsasaka at mangingisda ang tulong at suporta para sa kani-kanilang kabuhayan.  Inilunsad ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial