News

Home 5 2021 News 5 TULONG AT PAGKALINGA HATID NG PAMAHALAANG LOKAL
TULONG AT PAGKALINGA HATID NG PAMAHALAANG LOKAL

Bukas-palad. Ganito ang Pamahalaang Lokal ng Calaca sa bawat isang mamamayang Calaqueño. 

Sa ginanap na pamamahagi ng tulong pinansyal para sa kalusugan at pakikiramay sa mga nawalan ng mahal sa buhay ay muling ipinamalas ng pamunuan ni Mayor Nas Ona na palagi silang handang maglingkod at umagapay sa bawat isang Calaqueño. 

Tinatayang PHP 1,288,000.00 ang naipamahagi para sa dalawang daan at limampung Calaqueño na lumapit sa Tanggapan ng Punumbayan hinggil sa kinakailangan nilang tulong. Siyamnapu’t anim (96) sa mga ito ay binigyan ng tulong bilang pakikiramay sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay samantalang ang 144 naman ay sinuportahan para sa kanilang mga pangangailangang pangkalusugan.

Sa kabila ng walang tigil na pakikipagsapalaran sa mga hamon ng pandemya at mga kalamidad, patuloy ang pakikiisa at pakikiramay ng Pamahalaang Lokal sa mga kababayang higit na nangangailangan ng kanilang suporta. Matatandaang nagkaroon ng limang bugso ng pamamahagi ng medical at burial assistance noong nagdaang taon. Katuwang ang Tanggapan ng Pambayang Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan, binigyan din ng tulong para sa kanilang pagpapagamot ang ilang kababayang dialysis patients.

Ang isinagawang pamamahagi para sa taong ito ay simula pa lamang ng walang humpay na pag-agapay para sa mga nangangailangan, mananatiling bukas ang pintuan ng Lokal na Pamahalaan para sa mga kababayang kumakatok para sa pagkalinga at suportang kanilang inaasam. 

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PATULOY NA PAGPAPAYABONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

PATULOY NA PAGPAPAYABONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

Simula pa lang ng taon ay kabi-kabila na agad ang mga proyekto para sa mga kaGawang magsasaka at mangingisda sa bayan ng Calaca. Pinangungunahan ang mga programang ito ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni Gng. Alicia Cabrera. Noong Enero 19 ay ginanap...

PAGPUPULONG NG MGA BARANGAY FUNCTIONARIES

PAGPUPULONG NG MGA BARANGAY FUNCTIONARIES

Kasabay ng pagpasok ng taong 2021 ay ang pagsusumikap ng Pamahalaang Lokal ng Calaca na maisagawa ang lahat ng mga nabinbing aktibidades at programa noong nagdaang taon. At isa sa mga hakbang na kanilang tinahak ay ang pagsasagawang muli ng buwanang pagpupulong sa mga...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial