News

Home 5 2021 News 5 PINUSUAN CLUB | KALUSUGAN AY PAHALAGAHAN, PUSO AY INGATAN
PINUSUAN CLUB | KALUSUGAN AY PAHALAGAHAN, PUSO AY INGATAN

Sa pagbubukas ng bagong taon, ipinamalas ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan na pinamumunuan ni Dra. Sharon Ona ang #NASALakas nilang pagkalinga sa mga kasapi ng Pinusuan Club. 

Isinagawa ang pagbisita sa barangay ng Makina, Matipok, Coral ni Bacal at Puting Kahoy upang kumustahin ang kalagayan ng mga benepisyaryo at namahagi ng buwanang supply ng maintenance medicines. Kasabay nito ay ang binigyang diin \sa mga kasapi na nararapat nilang panatilihing malusog ang kanilang pangangatawan sa pamamagitan ng pagkain nang wasto at pag-eehersisyo. Katuwang din ng naturang tanggapan ang Municipal Assistance for Community Development Office sa kanilang pagbisita sa bara-barangay.

Bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa mga Calaqueño, hatid rin sa mga residente mula sa Barangay Baclas at Bambang ang libreng Blood Chemistry Test. Ito ay mabisang uri ng pagtukoy ng kondisyon o karamdaman ng tao upang madaling malaman ang mga nangangailangan ng buwanang medication maintenance.

Sa panahong ito ng pandemya, mas mainam na panatilihing malusog at malakas ang pangangatawan; sa paraang ito COVID-19 ay makakaya nating labanan.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PATULOY NA PAGPAPAYABONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

PATULOY NA PAGPAPAYABONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

Simula pa lang ng taon ay kabi-kabila na agad ang mga proyekto para sa mga kaGawang magsasaka at mangingisda sa bayan ng Calaca. Pinangungunahan ang mga programang ito ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni Gng. Alicia Cabrera. Noong Enero 19 ay ginanap...

PAGPUPULONG NG MGA BARANGAY FUNCTIONARIES

PAGPUPULONG NG MGA BARANGAY FUNCTIONARIES

Kasabay ng pagpasok ng taong 2021 ay ang pagsusumikap ng Pamahalaang Lokal ng Calaca na maisagawa ang lahat ng mga nabinbing aktibidades at programa noong nagdaang taon. At isa sa mga hakbang na kanilang tinahak ay ang pagsasagawang muli ng buwanang pagpupulong sa mga...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial