News

Home 5 2021 News 5 PAGPUPULONG NG MGA BARANGAY FUNCTIONARIES
PAGPUPULONG NG MGA BARANGAY FUNCTIONARIES

Kasabay ng pagpasok ng taong 2021 ay ang pagsusumikap ng Pamahalaang Lokal ng Calaca na maisagawa ang lahat ng mga nabinbing aktibidades at programa noong nagdaang taon. At isa sa mga hakbang na kanilang tinahak ay ang pagsasagawang muli ng buwanang pagpupulong sa mga Barangay Functionaries.

Pinamunuan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni G. Sherwin Comia ang pagpupulong sa Lunas Kapayapaan noong ika-21 ng Enero. Kaagapay niya si Executive Assistant Mel Salvador upang talakayin at rebisahin ang mga alituntuning ipinatutupad organisasyon nang sa gayo’y maging mas epektibo ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan para sa kaligtasan ng bawat Calaqueño.

Sinundan ito ng pagpupulong ng Lunas Kalusugan Leaders sa pangunguna ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan. Ipinaabot ni Dra. Sharon Ona ang pagkilala at pasasalamat sa sipag, sakripisyo at patuloy na pagbibigay serbisyo ng bawat isang kasapi.  Isinagawa rin ang pag-uulat hinggil sa estado ng mga kasalukuyang programang ipinatutupad sa iba’t ibang barangay. Inilatag rin ang mga nakahandang programa para sa unang buwan ng taong ito.

Samantala, ginanap naman ang pagpupulong ng Lunas Kabatiran noong ika-29 ng Enero sa pangunguna ni Municipal Information Officer G. Robenson Sale. Ang unang pagpupulong na ito ay bilang pagpapaigting ng organisasyong kaagapay ng naturang Tanggapan sa pagbabahagi ng tama, wasto at napapanahong impormasyon, gayundin ng mga programa at serbisyong hatid ng Pamahalaang Lokal.

Bunsod ng kinakaharap na pandemya, maigting na inoobserbahan ang minimum health protocols sa bawat pagpupulong. Sa pagkakaisa at kooperasyon ng bawat kasapi ng mga nabanggit na organisasyon, kapakanan ng mga mamamayang Calaqueño ay siguradong mapapabuti. 

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PATULOY NA PAGPAPAYABONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

PATULOY NA PAGPAPAYABONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

Simula pa lang ng taon ay kabi-kabila na agad ang mga proyekto para sa mga kaGawang magsasaka at mangingisda sa bayan ng Calaca. Pinangungunahan ang mga programang ito ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni Gng. Alicia Cabrera. Noong Enero 19 ay ginanap...

DENTAL CHECK-UP AT PPD SKIN TEST PARA SA DAYCARE CHILDREN

DENTAL CHECK-UP AT PPD SKIN TEST PARA SA DAYCARE CHILDREN

Naantala man ang ilang programa ng Pamahalaang Lokal ng Calaca noong nakaraang taon para sa mga Calaqueño, unti unti ang pagsasakatuparan ng mga ito ngayong taong 2021. Isa na rito ang programa para sa mga daycare students.  Binisita ng mga kawani ng Tanggapan ng...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial