News

Home 5 2021 News 5 LABIDABI FAMBAM ON LOVE DAY!
LABIDABI FAMBAM ON LOVE DAY!

Ang pamilya ang pinakamaliit na sangay ng lipunan. Sangay kung saan nagmumula ang pagmamahalan at matibay na samahan ng bawat isa. Hindi maikakaila na naging mas matatag ang samahan ng bawat pamilya buhat ng pandemyang ating nararanasan. Nagkaroon ng mas maraming oras ang kada miyembro ng pamilya para sa isa’t isa. Naging mas matatag ang pagmamahalan, suporta at pag uunawaan sa loob ng isang pamilya.

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, nagkaroon ng patimpalak ang Pamahalaang Lokal sa pamumuno ni Mayor Nas Ona bilang pagpapahalaga sa pamilyang Calaqueño. Tinawag ang patimpalak na Labidabi Fambam kung saan inilabas ang mga panuntunan at kinakailangang sa araw mismo ng mga Puso. Sa paraang ito, naipakita na sa social media ang magandang larawan ng pamilya, maaari pang magwagi ng papremyo na pwede nilang gamitin sa pagsasalu salo. 

Pumili ang Pamahalaang Lokal ng labing apat (14) na pamilyang nauna sa patimpalak at ginawa ang mga panuntunan ng tama. Sinundan naman ito ng paggawad ng premyo noong ika-23 ng Pebrero.

Sa anumang panahon, pamilya ang ating sandigan at laging maaasahan. Pamilya kung saan maaari ring mabalangkas ang isang pamahalaan. At tulad ng isang pamilya, kasama ng sambayanang Calaqueño ang Pamahalaang Lokal ng Calaca sa pagbangon ng may pag ibig, suporta at pagpapahalaga sa bawat isang kapamilya.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PATULOY NA PAGPAPAYABONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

PATULOY NA PAGPAPAYABONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

Simula pa lang ng taon ay kabi-kabila na agad ang mga proyekto para sa mga kaGawang magsasaka at mangingisda sa bayan ng Calaca. Pinangungunahan ang mga programang ito ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni Gng. Alicia Cabrera. Noong Enero 19 ay ginanap...

PAGPUPULONG NG MGA BARANGAY FUNCTIONARIES

PAGPUPULONG NG MGA BARANGAY FUNCTIONARIES

Kasabay ng pagpasok ng taong 2021 ay ang pagsusumikap ng Pamahalaang Lokal ng Calaca na maisagawa ang lahat ng mga nabinbing aktibidades at programa noong nagdaang taon. At isa sa mga hakbang na kanilang tinahak ay ang pagsasagawang muli ng buwanang pagpupulong sa mga...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial