News

Home 5 2021 News 5 ANG PAGBABALIK NG BOSS 2021
ANG PAGBABALIK NG BOSS 2021

Sa unang Lunes ng taong 2021 ay muling inilunsad ng Tanggapan ng Pahintulutan at Paglilisensya ng Negosyo ang Business One Stop Shop (BOSS) katuwang ang iba’t ibang ahensya at tanggapan ng Pamahalaang Lokal. Isinagawa ang programang ito noong nakaraang taon at dulot ng ginhawa na naibigay sa mga kumuha ng bago at nagpanibago ng kanilang business permit, ay ipinagpatuloy ang NASA Bilis na serbisyo ng mga kawani para sa mga Calaqueño ngayong taon.

Bunsod pa rin ng pandemyang nararanasan ay nagkaroon ng takdang araw ang bawat barangay ng pagtungo sa Munisipyo upang higit sa lahat ay mapanatiling ligtas ang bawat isa kontra COVID-19. Mahigpit ding ipinatupad ang minimum health protocols para sa lahat ng pumapasok sa Bahay Pamahalaan. Ang serbisyong BOSS ay tumagal hanggang sa ika-29 ng Enero, 2021.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PATULOY NA PAGPAPAYABONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

PATULOY NA PAGPAPAYABONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

Simula pa lang ng taon ay kabi-kabila na agad ang mga proyekto para sa mga kaGawang magsasaka at mangingisda sa bayan ng Calaca. Pinangungunahan ang mga programang ito ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni Gng. Alicia Cabrera. Noong Enero 19 ay ginanap...

PAGPUPULONG NG MGA BARANGAY FUNCTIONARIES

PAGPUPULONG NG MGA BARANGAY FUNCTIONARIES

Kasabay ng pagpasok ng taong 2021 ay ang pagsusumikap ng Pamahalaang Lokal ng Calaca na maisagawa ang lahat ng mga nabinbing aktibidades at programa noong nagdaang taon. At isa sa mga hakbang na kanilang tinahak ay ang pagsasagawang muli ng buwanang pagpupulong sa mga...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial