News

Home 5 2021 News 5 2,028 MAG AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL NAKATANGGAP NG NASA HUSAY TABLET ( Page )
2,028 MAG AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL NAKATANGGAP NG NASA HUSAY TABLET

Tunay na kaysarap mag aral sa Bayan ng Calaca! 

Sa pagpasok ng taong panuruan 2020 – 2021, matatandaan na kakaibang uri ng pag aaral ang ipinatupad sa mga paaralan bilang pag-iwas at pag-iingat sa mga mag-aaral laban sa COVID19. 

Sa pagpapatupad ng Alternative Distance Learning ay hindi maikakaila ang hirap sa pag aaral kung walang gadyet o anumang uri ng teknolohiya na maaaring gamitin. Kung kaya sa pag-aasam ng Pamahalaang Lokal na matulungan ang mga mag-aaral, minarapat na mag-realign ng pondo para makapamahagi ng mga tablet na makakatulong upang mapadali ang pagkatuto ng mga estudyante sa kanilang mahihirap na aralin.

Natanggap na ng may kabuuang 2,028 mag aaral ang Tablet for Alternative Distance Learning mula sa Pamahalaang Lokal. Pinangunahan ni Mayor Nas Ona kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at Purok Tagamasid na si Dr. Anabel Marasigan ang huling pamamahagi ng 1,231 tablet sa Senior High School na tinanggap ng mga magulang at mag aaral nang may galak at taos pusong pasasalamat. 

Matatandaan na sinimulan ang pamamahagi ng tablet noong huling bahagi ng 2020 para sa 353 mag-aaral mula sa Grade 11 HUMSS ng Calaca Senior High School at sinundan naman ng pamamahagi sa 444 mag-aaral mula sa parehong paaralan.

Patuloy ang pagtulong ng #NASaHusay Team sa modular learning ng mga mag aaral para sa patuloy na pagsulong ng dekalidad na edukasyon dito sa bayan ng Calaca sa gitna ng pandemyang kinakaharap.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

DENTAL CHECK-UP AT PPD SKIN TEST PARA SA DAYCARE CHILDREN

DENTAL CHECK-UP AT PPD SKIN TEST PARA SA DAYCARE CHILDREN

Naantala man ang ilang programa ng Pamahalaang Lokal ng Calaca noong nakaraang taon para sa mga Calaqueño, unti unti ang pagsasakatuparan ng mga ito ngayong taong 2021. Isa na rito ang programa para sa mga daycare students.  Binisita ng mga kawani ng Tanggapan ng...

ANI AT KITA NG MGA CALAQUEÑO, PROTEKTADO!

ANI AT KITA NG MGA CALAQUEÑO, PROTEKTADO!

Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Calaca ng Kagawaran ng Agrikultura sa layunin nitong masiguradong makakaabot sa mga masisipag na magsasaka at mangingisda ang tulong at suporta para sa kani-kanilang kabuhayan.  Inilunsad ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial