News

Home 5 2020 News 5 TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI
TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

Sunod-sunod ang paghagupit ng Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses sa bayan ng Calaca. Dahil dito, maraming napinsalang kabuhayan at mga tahanan. Kaya naman namahagi ng Calamity Assistance ang Pamahalaang Lokal sa 344 na pamilya mula sa 36 na barangay na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo. Ang isinagawang pamamahagi noong Disyembre 4, 2020 na ginanap sa Calaca Central School at Calaca Senior High School ay pinangunahan ni Mayor Nas Ona kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at kaagapay ang Tanggapan ng Pambayang Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan sa pamumuno ni Gng. Maharani Babasa.

Sa pakikipag-ugnayan ng pamunuan sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor na pinamumunuan ni Gng. Alicia Cabrera, nakapamahagi rin noong araw na iyon ng tulong pinansyal sa mga mangingisdang natigil ang hanapbuhay buhat ng mga kalamidad na nagdaan. Samantala, noong Nobyembre 11, 2020 ay ipinamahagi naman ang tulong pinansyal para sa mga magsasakang lubhang napinsala ang mga pananim dahil sa mga nagdaang unos.

Paulit-ulit mang hagupitin ng hamon ng buhay, kaagapay ng bawat isang Calaqueño ang Pamahalaang Lokal sa matatag na pagharap sa mga ito. 

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

“Isang Bayan Isang Puso. Calaca ‘di tayo susuko. Umahon hinding-hindi uurong” ito ang awiting umalingawngaw sa apatnapung barangay ng bayan ng Calaca kasabay ng pamamahagi ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Pamaskong Handog mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 22,...

CALACA PALENGKE PANALO

CALACA PALENGKE PANALO

Sa patuloy na pagharap ng bansa sa pandemya ay malaki rin ang naging dagok sa ekonomiya at pangkabuhayan ng mga mamamayan. Maraming nawalan ng trabaho, mayroong napilitang umuwi sa kani-kanilang mga probinsya, at may mga pansamantalang nagsarang negosyo. Kaakibat...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial