News

Home 5 2020 News 5 TULONG NG SLTEC SA DEPED CALACA UPANG MAPAGHANDAAN ANG DISTANCE LEARNING
TULONG NG SLTEC SA DEPED CALACA UPANG MAPAGHANDAAN ANG DISTANCE LEARNING

Agosto 19, 2020 – Pinagkalooban ng South Luzon Thermal Energy Corporation (SLTEC) ng mga bond papers, pocket wifi, EPSON Printer at ink, at prepaid load ang mga paaralan pang-elementarya at sekundarya sa distrito ng Calaca. Pinangunahan ng Presidente ng naturang kumpanya na si G. Basti Lacson ang pamamahagi, kasama niya sina Bb. Sarah Baniga (HR and External Relations Manager), G. Venkata Siva Reddy (Plant Manager), G. Arkin Miguel Cuebillas, G. Jeps Mendoza, at Bb. Angelica Cauntay (mga miyembro ng External Relations Team). 

Napagdesisyunan ng Kagawaran ng Edukasyon na ihinto muna ang face-to-face classes para sa darating na panuruang taon 2020-2021 bunsod ng banta ng COVID-19 sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Isinasagawa ng mga paaralan ang Distance Learning sa pamamagitan ng modyul at online classes. Lubos na nakatutulong ang ipinagkaloob na pocket wifi at prepaid load ng SLTEC upang maisagawa ito. Napakikinabangan din nang husto ang mga ipinagkaloob na printing supplies sa paglilimbag ng mga modyul na siyang pinag-aaralan ng mga estudyante.

Labis na nagpasalamat ang buong DepEd Calaca Family sa kabutihang ipinamalas ng pamunuan at mga empleyado ng SLTEC. Malaki ang naitulong nito sa kanila upang patuloy na maisulong ang kalidad na edukasyon para sa mga kabataang Calaqueño. 

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

“Isang Bayan Isang Puso. Calaca ‘di tayo susuko. Umahon hinding-hindi uurong” ito ang awiting umalingawngaw sa apatnapung barangay ng bayan ng Calaca kasabay ng pamamahagi ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Pamaskong Handog mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 22,...

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

Sunod-sunod ang paghagupit ng Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses sa bayan ng Calaca. Dahil dito, maraming napinsalang kabuhayan at mga tahanan. Kaya naman namahagi ng Calamity Assistance ang Pamahalaang Lokal sa 344 na pamilya mula sa 36 na barangay na lubhang...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial