News

Home 5 2020 News 5 PAGDIRIWANG NG IKA-120 ANIBERSARYO NG CIVIL SERVICE COMMISSION
PAGDIRIWANG NG IKA-120 ANIBERSARYO NG CIVIL SERVICE COMMISSION

Nakiisa ang Pamahalaang Lokal ng Calaca sa pagdiriwang ng 120th Philippine Civil Service Anniversary na may temang “Public sector in the age of digital transformation” noong Setyembre 2020. Binigyang diin sa pagdiriwang ang kahalagahan ng teknolohiya at modernisasyon sapagkat nagbibigay ito ng mga alternatibong paraan upang maagap na matugunan ang pangangailangan ng mga kababayan sa panahon ng pandemya.

Sa pangunguna ng Tanggapan ng Human Resources Management, binigyang pugay ang mga kawani ng pamahalaang lokal sa pamamagitan  ng pamamahagi ng mga greeting card na nagsasaad ng pasasalamat sa kanilang sipag at sakripisyo bilang mga lingkod-bayan. Bukod dito, namahagi ng tanghalian sa bawat kawani sa kani-kanilang tanggapan upang kahit magkakalayo buhat ng pandemya, ay makapag salu-salo ang mga lingkod-bayan.

Kinilala rin noong Oktubre 2020 ang mga kawani na nagbibigay serbisyo sa publiko sa loob ng labinlima hanggang dalawampu’t limang taon. Kabilang sa mga ginawaran ng pagkilala ay sina Robert Castro (25 taon), Cristy Balitostos (20 taon), Joel Pastores (20 years), Manuelito (20 taon), Maharani Babasa (15 taon), at Elisa Valenzuela (15 taon). 

Hindi biro ang serbisyo at sakripisyong ipinagkakaloob ng mga kawani ng pamahalaan upang mapaglingkuran ang kanilang mga kababayan kaya’t nararapat lamang na pasalamatan at kilalanin ang mga ito.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

“Isang Bayan Isang Puso. Calaca ‘di tayo susuko. Umahon hinding-hindi uurong” ito ang awiting umalingawngaw sa apatnapung barangay ng bayan ng Calaca kasabay ng pamamahagi ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Pamaskong Handog mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 22,...

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

Sunod-sunod ang paghagupit ng Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses sa bayan ng Calaca. Dahil dito, maraming napinsalang kabuhayan at mga tahanan. Kaya naman namahagi ng Calamity Assistance ang Pamahalaang Lokal sa 344 na pamilya mula sa 36 na barangay na lubhang...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial