News

Home 5 2020 News 5 PAGDIRIWANG NG BUWAN NG KABABAIHAN
PAGDIRIWANG NG BUWAN NG KABABAIHAN

Sa paggunita ng Buwan ng Kababaihan sa taong 2020, isang makahulugang pagdiriwang ang isinagawa noong buwan ng Marso na nagbigay-diin sa suporta ng Lokal na Pamahalaan tungo sa pagkakapantay-pantay sa lipunan. Upang ipagdiwang ang buwang ito, naghanda ng iba’t ibang programa ang Kababaihan ng Calaca sa pamumuno ng Municipal Women’s Coordinating Council (MWCC). Ang Buwan ng Kababaihan din ay magandang pagkakataon upang bigyang pagkilala ang mga Pilipina sapagkat malayo na ang kanilang narating at naitulong sa pag-angat ng ating lipunan. Lahat ng sektor sa ating lipunan ay may mga kababaihang ang galing ay naging malaking sangkap sa kaunlaran, paglilingkod sa bayan at komunidad.

Bilang pagbibigay-pugay sa mga kababaihan sa Calaca at sa kanilang mga karapatan, naghanda ng programa ang MWCC kung saan naging panauhing pandangal si Batangas City Mayor Beverly Dimacuha na nagbigay inspirasyon sa mga kababaihang dumalo. Tampok din sa programa ang celebrity guest na si Jayson Dy na napahanga ang lahat sa kanyang pag awit.

Bahagi ng pagdiriwang ang pamamahagi ng livelihood assistance sa grupo ng mga kababaihan sa bawat barangay.  Ang pondo na ipinapahiram na nagmula sa Pamahalaang Lokal ay maaaring maging panimula sa kanilang mga napiling proyekto. Ito ay may kaukulang maliit na interes na maaaring bayaran sa loob ng isang taon. Maaaring hiramin ulit ang pondo at madagdagan pa, depende sa kinikita ng proyekto. 

Maraming inihandang aktibidades para sa kababaihan bilang bahagi ng pagdiriwang ngunit hindi na naisagawa bunsod ng panganib na bitbit ng pandemya. 

Tunay na hindi matatawaran ang papel ng kababaihan sa lipunan. Ika nga ng ating Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal, ang babae ang naghahanda sa isip ng isang bata sa kabutihan, pagmamahal sa karangalan, mabuting asal, pag-ibig sa kapwa at pananampalataya sa Diyos.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

“Isang Bayan Isang Puso. Calaca ‘di tayo susuko. Umahon hinding-hindi uurong” ito ang awiting umalingawngaw sa apatnapung barangay ng bayan ng Calaca kasabay ng pamamahagi ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Pamaskong Handog mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 22,...

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

Sunod-sunod ang paghagupit ng Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses sa bayan ng Calaca. Dahil dito, maraming napinsalang kabuhayan at mga tahanan. Kaya naman namahagi ng Calamity Assistance ang Pamahalaang Lokal sa 344 na pamilya mula sa 36 na barangay na lubhang...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial