News

Home 5 2020 News 5 ONE-STOP SHOP, INILUNSAD
ONE-STOP SHOP, INILUNSAD

Sa pagsisimula ng taong 2020, isang magandang balita ang inihayag ng Pamahalaang Lokal para sa mga negosyante sa Bayan ng Calaca.

Inilunsad ng Business Permit and Licensing Office ang One-Stop Shop noong Enero 2, 2020 sa pamumuno ni Gng. Evelyn Reyes at mga Tanggapan na may kaugnayan sa nasabing serbisyo. Ilan sa mga tanggapang ito ay ang Municipal Planning and Development Coordinator, Municipal Engineering Office, Municipal Health Office, Municipal Treasurer’s Office at Bureau of Fire Protection.

Ito ay ginanap sa unang palapag ng Municipal Building at naglalayong maghatid ng mas mabilis, maayos at agarang serbisyo nang hindi na kailangang magtungo sa iba’t ibang tanggapan ang lahat ng kumukuha at nagrerenew ng kanilang business permits. 

Ang proyekto ay hanggang Enero 20 lamang ngunit dahil sa hindi inaasahang pag-alburoto ng Bulkang Taal, tumagal ang serbisyo hanggang Enero 31 nang walang kaukulang multa.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

“Isang Bayan Isang Puso. Calaca ‘di tayo susuko. Umahon hinding-hindi uurong” ito ang awiting umalingawngaw sa apatnapung barangay ng bayan ng Calaca kasabay ng pamamahagi ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Pamaskong Handog mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 22,...

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

Sunod-sunod ang paghagupit ng Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses sa bayan ng Calaca. Dahil dito, maraming napinsalang kabuhayan at mga tahanan. Kaya naman namahagi ng Calamity Assistance ang Pamahalaang Lokal sa 344 na pamilya mula sa 36 na barangay na lubhang...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial