News

Home 5 2020 News 5 NASA LAKAS NG SUPORTA AT PAGMAMAHAL SA MGA KABATAANG MAY ESPESYAL NA PANGANGAILANGAN
NASA LAKAS NG SUPORTA AT PAGMAMAHAL SA MGA KABATAANG MAY ESPESYAL NA PANGANGAILANGAN

Kaisa ang Bayan ng Calaca sa pamumuno ni Mayor Nas C. Ona sa paggunita ng National Cerebral Palsy Consciousness Month.

Bilang pagdiriwang ay nagsagawa ang Tanggapan ng Pambayang Kalusugan na pinangungunahan ni Dra. Sharon V. Ona ng programang nagbigay kasiyahan sa mga kabataan sa pamamagitan ng magic at puppet shows at ni Jollibee. Nagkaroon din ng iba’t ibang mga palaro sa mga bata na pinangunahan ni Mrs. Clara V. Pilapil, nakatalagang Municipal Nutrition Action Officer.

Layunin ng isinagawang pagdiriwang na maiparamdam ang tunay na pagkalinga at mabigyang kasiyahan ang mga batang may espesyal na pangangailangan.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

“Isang Bayan Isang Puso. Calaca ‘di tayo susuko. Umahon hinding-hindi uurong” ito ang awiting umalingawngaw sa apatnapung barangay ng bayan ng Calaca kasabay ng pamamahagi ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Pamaskong Handog mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 22,...

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

Sunod-sunod ang paghagupit ng Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses sa bayan ng Calaca. Dahil dito, maraming napinsalang kabuhayan at mga tahanan. Kaya naman namahagi ng Calamity Assistance ang Pamahalaang Lokal sa 344 na pamilya mula sa 36 na barangay na lubhang...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial