News

Home 5 2020 News 5 DENG-GET OUT: SEARCH AND DESTROY ISINAGAWA SA ILANG BARANGAY
DENG-GET OUT: SEARCH AND DESTROY ISINAGAWA SA ILANG BARANGAY

Dahil sa naitalang kaso ng Dengue sa ilang barangay sa bayan ng Calaca,  pinangunahan ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan ang pagsasagawa ng Deng-Get Out, isang Search and Destroy Operation kontra Dengue noong buwan ng Nobyembre at Disyembre. 

Ang aktibidad ay tugon din sa posibleng pagtaas ng kaso ng Dengue Fever dulot ng mga pagbaha at pag-ipon ng tubig dahil sa sunod-sunod na pag-ulan.Tinunton at sinira ng mga kawani ng nabanggit na tanggapan ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok na Aedes Aegypti na siyang may dala ng dengue virus.

Nagsagawa rin ng misting operation sa mga sumusunod na barangay: Coral ni Bacal, Lumbang na Bata, Dacanlao, Lumbang Calzada, at Poblacion 6 upang mapigilan ang anumang banta ng outbreak.

Tinalakay din sa mga residente na panatilihing malinis ang kanilang bahay at kapaligiran upang maitaguyod ang kalusugan ng kanilang mga pamilya laban sa banta ng Dengue.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

“Isang Bayan Isang Puso. Calaca ‘di tayo susuko. Umahon hinding-hindi uurong” ito ang awiting umalingawngaw sa apatnapung barangay ng bayan ng Calaca kasabay ng pamamahagi ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Pamaskong Handog mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 22,...

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

Sunod-sunod ang paghagupit ng Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses sa bayan ng Calaca. Dahil dito, maraming napinsalang kabuhayan at mga tahanan. Kaya naman namahagi ng Calamity Assistance ang Pamahalaang Lokal sa 344 na pamilya mula sa 36 na barangay na lubhang...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial