News

Home 5 2020 News 5 BALIK-ARAL POWER PACK, IPINAMAHAGI NA!
BALIK-ARAL POWER PACK, IPINAMAHAGI NA!

Sa pagbabalik eskwela ng mga mag aaral, namahagi ng Balik-Aral Power Pack ang mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Calaca. Muli, ay ipinaramdam ni Mayor Nas Ona ang kanyang pagpapahalaga sa kalusugan ng bawat pamilyang Calaqueño lalung-lalo na ng mga kabataan. Kasalukuyan mang nasa Alternative Learning Mode ang iba’t ibang paaralan, mainam na pag-ibayuhin ang pagbibigay proteksyon sa bawat mamamayan.

Ang Balik-Aral Power Pack na naglalaman ng face masks, face shields, Safeguard soap, alcohol at disinfectant bleach, ay malaking tulong para mapanatili ang kalinisan at mapangalagaan ang bawat isa sa loob man o labas ng tahanan. Kalakip din nito ang isang liham ni Mayor Nas Ona at NASA Lakas Flyers na nagbigay ng wastong impormasyon sa pag iwas sa COVID19. 

Naniniwala ang Punumbayan na ang tamang impormasyon, pangangalaga at disiplina ang ating tanging sandata para sa kaligtasan ng buong pamilya.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

“Isang Bayan Isang Puso. Calaca ‘di tayo susuko. Umahon hinding-hindi uurong” ito ang awiting umalingawngaw sa apatnapung barangay ng bayan ng Calaca kasabay ng pamamahagi ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Pamaskong Handog mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 22,...

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

Sunod-sunod ang paghagupit ng Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses sa bayan ng Calaca. Dahil dito, maraming napinsalang kabuhayan at mga tahanan. Kaya naman namahagi ng Calamity Assistance ang Pamahalaang Lokal sa 344 na pamilya mula sa 36 na barangay na lubhang...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial