News

Home 5 2020 News 5 APLIKASYON PARA SA ONA SCHOLARSHIP, MULING BINUKSAN
APLIKASYON PARA SA ONA SCHOLARSHIP, MULING BINUKSAN

Muling inilunsad ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Calaca ang Onward to New Aspirations (ONA) Scholarship sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). 

Noong Hulyo 20, 2020, inilathala ng nasabing tanggapan sa kanilang Facebook page ang mga alintuntunin kung paano makakabilang ang mga Calaqueñong mag-aaral sa ONA College Scholars. Nakasaad dito na isang mag-aaral lamang sa bawat barangay ang maaaring makabilang sa programa. Isang slot din lamang ang mayroon kada pamilya. Ang mga papalaring maging isa sa mga ONA College Scholars ay tatanggap ng Php 10,000.00 kada semestre.

Sa kasalukuyan, mayroong 105 mag-aaral na patuloy na tinatamasa ang mga benepisyo mula sa ONA Scholarship. Ang mga nagnanais na mapabilang sa hanay ng mga ONA Scholars ay sumailalim sa isang pagsusulit sa pangangasiwa ni Gng. Maharani Babasa mula sa tanggapan ng MSWDO.

Patuloy pa rin ang pagsisikap ni Mayor Nas Ona upang magkaroon ng isang propesyonal sa bawat pamilyang Calaqueño kasabay ng pag-abot ng mga Calaqueñong mag-aaral sa kanilang mga pangarap.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

PAMAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA BAWAT PAMILYANG CALAQUEÑO

“Isang Bayan Isang Puso. Calaca ‘di tayo susuko. Umahon hinding-hindi uurong” ito ang awiting umalingawngaw sa apatnapung barangay ng bayan ng Calaca kasabay ng pamamahagi ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Pamaskong Handog mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 22,...

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

TULONG PARA SA PAGBANGON: CALAMITY ASSISTANCE IPINAMAHAGI

Sunod-sunod ang paghagupit ng Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses sa bayan ng Calaca. Dahil dito, maraming napinsalang kabuhayan at mga tahanan. Kaya naman namahagi ng Calamity Assistance ang Pamahalaang Lokal sa 344 na pamilya mula sa 36 na barangay na lubhang...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial