News

Home 5 2019 News 5 PANUNUMPA NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYALES NG BAYAN NG CALACA
PANUNUMPA NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYALES NG BAYAN NG CALACA

Hulyo 1, 2019 – Idinaos ang panunumpa ng bagong halal na Punumbayan ng Calaca, Mayor Sofronio “Nas” C. Ona Jr., sa pangunguna ni Judge Vicente “Vic” Montes, Municipal Trial Judge. Sinundan naman ito ng panunumpa ng iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangangasiwa ng bagong halal na Pangalawang Punumbayan Renante Macalindong. Ang programa ay dinaluhan din ng kani-kanilang pamilya at ng iba pang kawani ng Pamahalaang Lokal ng Calaca.
Isinagawa rin nina former Mayor Boogle C. Ona at kasalukuyang Mayor Nas Ona ang turn over ceremony ng mga mahahalagang dokumento ng pamahalaang lokal. Nagbigay din ng mensahe ng pasasalamat si outgoing Mayor Boogle Ona sa mga nakasama niya sa paglilingkod at sa mga bagong halal na opisyales bago niya tuluyang ipasa ang panunungkulan sa kasalukuyang Punumbayan. Tinugunan naman ito ng isang nakakaantig na mensahe ni Mayor Nas Ona na sadyang nakapagbigay inspirasyon sa bawat Calaqueño.
Ang nasabing gawain ay dinaluhan din ng mga pinuno ng bawat barangay sa Bayan ng Calaca, school heads, locators at mga kawani ng gobyerno.
Matapos ang panunumpa ay walang sinayang na oras ang Punumbayan at kaagad na nagtungo sa kanyang tanggapan upang doon idaos ang pagpupulong kasama ang iba’t ibang sektor.
Bahagi ng kanyang sinumpaang tungkulin, ipinagpatuloy niya ang mga proyektong nasimulan tulad ng “Gamit mo, Sagot ko”, pagbisita sa pamilihang Bayan at pagdalaw sa mga maysakit sa Ospital ng Calaca.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

LAUNCHING POWER TOWN

LAUNCHING POWER TOWN

Setyembre 7, 2020 - Inilunsad ang adhikaing maging isang Power Town ang bayan ng Calaca na siyang tema ng bago nitong tatahaking bukas tungo sa kaunlaran. Ang ambisyon ay nag-ugat sa paniniwalang ang mga Calaqueño ang sandigan ng mahal na bayan.  Sadyang mapalad...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial