News

Home 5 2019 News 5 PAGGUNITA SA IKA-119 ANIBERSARYO NG CIVIL SERVICE
PAGGUNITA SA IKA-119 ANIBERSARYO NG CIVIL SERVICE

Sa pagsapit ng selebrasyon ng 119th Philippine Civil Service Anniversary na may temang “Civil Service @ 119: Upholding Integrity and Building a High Trust Society,” pinangunahan ni HRMO Patti Margaret P. Casas ang mga inihandang aktibidades ng Tanggapan ng Human Resource Management noong ika-27 ng Setyembre 2019.

Sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng Zumba na pinangasiwaan ng nasabing tanggapan sa Calaca Municipal Gymnasium. Ito ay sinundan ng pagbibigay ng mga libreng serbisyo gaya ng gupit, masahe, manicure at pedicure. Pinagsaluhan din ang isang munting tanghalian ng mga empleyado at mga kagalang-galang na opisyales ng pamahalaang lokal.

Mainam na pagkakataon ang mga naturang aktibidad upang kilalanin ang kontribusyon ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa patuloy na pagtataguyod ng pamayanan at mga mamamayan nito. 

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

LAUNCHING POWER TOWN

LAUNCHING POWER TOWN

Setyembre 7, 2020 - Inilunsad ang adhikaing maging isang Power Town ang bayan ng Calaca na siyang tema ng bago nitong tatahaking bukas tungo sa kaunlaran. Ang ambisyon ay nag-ugat sa paniniwalang ang mga Calaqueño ang sandigan ng mahal na bayan.  Sadyang mapalad...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial