News

Home 5 2019 News 5 GAMIT MO, SAGOT KO PROGRAM: SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION ( Page )
GAMIT MO, SAGOT KO PROGRAM: SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION

Kaagad na sumabak sa pagGROGRAAWA si Punongbayan Nas C. Ona, Jr. kasama ang mga bagong halal na Sangguniang Bayan members sa pamumuno ni Vice Mayor Renante Macalindong, at ang DepEd District Supervisor Dr. Anabel R. Marasigan sa pamimigay ng mga school supplies sa mga mag aaral ng 39 na paaralan sa bayan ng Calaca noong buwan ng Hulyo 2019.

Sa bawat paaralan ay isang makabuluhang mensahe ang binitiwan ng Ama ng Calaca na siyang nagbigay-inspirasyon sa mga mag-aaral upang patuloy na magsumikap, at humikayat sa mga guro na patuloy magbigay-kaalaman sa kanilang mga estudyante. 

Hindi na poproblemahin pa ng mga magulang ng batang Calaqueño ang pagbili ng gamit pamasok dahil sa natanggap na mga kwaderno, payong, mga papel, at mga panulat ng kanilang mga anak. Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng mga mag-aaral sa pamunuan ng Bayan ng Calaca sa pamamagitan ng pagtatanghal ng kanilang mga talento at pagpapaskil ng mga placards na may mensahe ng pasasalamat.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

ERMITA-BUHAIN CUP 2019, PORMAL NANG BINUKSAN

ERMITA-BUHAIN CUP 2019, PORMAL NANG BINUKSAN

Opisyal ng binuksan ang Ermita - Buhain Cup 2019 noong Disyembre 15, 2019 sa Balayan Covered Court, Balayan, Batangas na sinimulan sa pamamagitan ng parada ng mga manlalaro ng basketball at volleyball. Pumarada rin ang mga naggagandahang mga kababaihan na kumatawan sa...

PASKUHAN SA CALACA

PASKUHAN SA CALACA

Damang-dama ng bawat Calaqueño ang nalalapit na Kapaskuhan sa pagbubukas ng kauna-unahang Paskuhan sa Calaca Animated Christmas Display. Kaisa sa naturang pasaya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at lahat ng kawani ng Pamahalaang Lokal sa pamumuno nina Vice Mayor...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial