News

Home 5 2019 News 5 GAMIT MO, SAGOT KO PROGRAM: SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION
GAMIT MO, SAGOT KO PROGRAM: SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION

Kaagad na sumabak sa pagGROGRAAWA si Punongbayan Nas C. Ona, Jr. kasama ang mga bagong halal na Sangguniang Bayan members sa pamumuno ni Vice Mayor Renante Macalindong, at ang DepEd District Supervisor Dr. Anabel R. Marasigan sa pamimigay ng mga school supplies sa mga mag aaral ng 39 na paaralan sa bayan ng Calaca noong buwan ng Hulyo 2019.

Sa bawat paaralan ay isang makabuluhang mensahe ang binitiwan ng Ama ng Calaca na siyang nagbigay-inspirasyon sa mga mag-aaral upang patuloy na magsumikap, at humikayat sa mga guro na patuloy magbigay-kaalaman sa kanilang mga estudyante. 

Hindi na poproblemahin pa ng mga magulang ng batang Calaqueño ang pagbili ng gamit pamasok dahil sa natanggap na mga kwaderno, payong, mga papel, at mga panulat ng kanilang mga anak. Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng mga mag-aaral sa pamunuan ng Bayan ng Calaca sa pamamagitan ng pagtatanghal ng kanilang mga talento at pagpapaskil ng mga placards na may mensahe ng pasasalamat.

Upcoming Events

Tags:
Share Article

More News

LAUNCHING POWER TOWN

LAUNCHING POWER TOWN

Setyembre 7, 2020 - Inilunsad ang adhikaing maging isang Power Town ang bayan ng Calaca na siyang tema ng bago nitong tatahaking bukas tungo sa kaunlaran. Ang ambisyon ay nag-ugat sa paniniwalang ang mga Calaqueño ang sandigan ng mahal na bayan.  Sadyang mapalad...

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial