Get Adobe Flash player
Wednesday, 22nd of May 2019
Home INFORMATION News CALACA, Tagumpay sa Paligsahan

CALACA, Tagumpay sa Paligsahan

provincial-nutrition-month 01Naiuwi ng Bayan ng Calaca ang tagumpay sa ginanap na Vegetable Cooking grand finals na isinagawa sa Provincial auditorium noong nakaraang ikatatlumpu’t isa ng Hulyo 2013. Ang nasabing patimpalak ay bahagi ng month-long celebration ng Nutrition Month ng Lalawigan ng Batangas.

Ang Bayan ng Calaca sa pangunguna ni Mayor Sofronio Manuel “Boogle” Ona ang siyang kumatawan sa unang distrito sa nasabing cooking contest matapos itong manalo ng 1st place sa pandistritong kumpetisyon noong nakaraang Hulyo 19 na ginanap sa Bayan ng Balayan.

Apat na distrito ang naglaban-laban sa provincial level at nakamit ng Bayan ng Mabini na kumatawan sa pangalawang distrito ang 4th place, ang Bayan ng Cuenca ng ikatlong distrito ang 3rd place at ang Bayan ng Taysan sa ika-apat na distrito ang nagwagi ng  2nd place. Nagsilbing mga hurado sina Gng. Felina Malabanan ng Department of Science and Technology, Gng. Marissa Argente ng Department of Trade and Industry at Bb. Mei Javier ng National Nutrition Council.

provincial-nutrition-month 02Ang Cucurbita Balls ng Bayan ng Calaca ang bumida sa nasabing patimpalak. Ang Cucurbita na scientific name ng kalabasa ang nagsilbing pangunahing sangkap ng nilutong dish sa nasabing contest. Masustansya, mura at masarap ang Cucurbita balls ayon na rin sa mga panauhin na nakakita at nakatikim nito. Si Gng. Loida Mercado ang nakaimbento ng tanyag na dish samantalang ang tatlong Barangay Nutrition Scholars na sina Ronalyn Jolongbayan, ng Brgy. Makina, Vilma Digno ng Brgy. Dacanlao at Luisa Marasigan ng Brgy. Camastilisan ang siyang aktuwal na nagluto at sumagot sa mga mapanuring tanong ng mga hurado.

Sa nasabi ding okasyon, nakuha ng Bayan ng Calaca ang 2nd place bilang Outstanding Municipal Nutrition Council  ganun din sina Gng Carina Atienza (Barangay Nutrition scholar ng Brgy. Puting Bato East na nagtamo ng 2nd place Outstanding Brgy. Nutrition Scholar sa buong lalawigan.

Sa kabuuan, naging matagumpay ang nasabing Provincial Nutrition Month Celebration at lubos ang kasiyahan ng Bayan ng Calaca sa tagumpay na nakamit.

Last Updated (Monday, 02 September 2013 20:32)