Get Adobe Flash player
Wednesday, 22nd of May 2019
Home INFORMATION News AGAPP SILID PANGARAP: Blessing and Turnover

AGAPP SILID PANGARAP: Blessing and Turnover

agapp-silid-pangarapMatagumpay na napasinayaan ang isang gusali ng kindergarten sa Calaca Central school noong ika-26 ng buwan ng Hulyo  sa ilalim ng ”SILID PANGARAP program”  hatid ng Aklat, Gabay at Aruga Tungo sa Pag-angat  at Pag-asa (AGAPP) Foundation.

Pinangunahan ni AGAPP chairperson at presidential sister Pinky Aquino Abellada ang pagpapasinaya at turnover ceremony ng Silid Pangarap at  dinaluhan ng butihing Mayor Sofronio Manuel “Boogle” Ona, kasama ang miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Renante Macalindong, mga Opisyal ng Barangay, DepEd officials, mga guro, mga magulang at mga mag-aaral ng paaralang benepisyaryo.

Ang proyektong “Silid Pangarap” ng AGAPP ay naglalayong makapagbigay ng mga Silid-Aralan para sa kindergarten sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. Bukod sa gusali napapaloob sa silid aralan ang mga libro na inaasahang magpapabilis at magdaragdag sa interes sa pag- aaral ng mga mag-aaral.

Ayon kay Gng. Pinky Aquino Abellada, ang Silid Pangarap Project ay isang inisyatibo sa pagtutulungan ng pribado at pampublikong sektor sa pagbibigay ng tulong sa edukasyon.

Naging kabalikat ng AGAPP Foundation ang CANON Marketing Phils. Inc. at SINGAPORE LADIES CLUB.  Kaugnay nito, dumalo ang ilang key persons mula sa nasabing kumpanya at organisasyon kabilang dito sina V P Hirubalan, Ambassador of the Republic of Singapore; Mr. Alan Chng, President & CEO, Canon Marketing (Phils)Inc. at Eeza A. Hamid, President, Singapore Ladies Club na mga naging katuwang sa pagtataguyod ng Silid Pangarap Program sa nasabing paaralan.

Taos pusong pinasalamatan ni Mrs. Abellada ang mga nasabing kumpanya at samahan sa kanilang Corporate Community Programs sa lalawigan lalo na ang mga programang pang-edukasyon.

Napakasuwerte ng Bayan ng Calaca na isa sa nabibiyayaan ng gusali at mga kagamitang pampaaralan mula sa AGAPP Silid Pangarap Program kaya taos puso ang pagpapasalamat ng bawat mamayang Calaqueño sa proyektong ito.

Last Updated (Monday, 12 August 2013 22:00)