HALALAN 2013, Team ONA Nanaig

halalan-2013Matagumpay ang naganap na halalang lokal sa bayan ng Calaca noong nakaraang Mayo 13, 2013 sa pagitan ng tatlong magkakalaban sa pagka-punongbayan  at pangalawang punongbayan at 24 na kandidato sa pagkakonsehal.

Sa huli ipinoroklama bilang bagong mayor ng Calaca si Sofronio Manuel C. Ona (LAKAS) na nakakuha ng 19,013 boto na higit na mataas sa kanyang dalawang katunggali na sina Konsehal Anselmo Macalindong (NUP)  sa botong 10,162 at Vice Mayor Lordilando Atienza (LP) na nakakuha ng 8,681 na boto.

Samantala sa botong 16,153 nanaig bilang Vice Mayor si Renante Macalindong (LAKAS) kontra sa kanyang katunggali na sina Konsehal Prima Dajoyag (LP) na may botong 11,098 at Randolph Hernandez sa botong 8,872.

Ang sumusunod ang mga nagwaging miyembro ng Sangguniang Bayan:

1. Deovic M. Ontangco LAKAS 19,956
2. Emilyn D. Alcazar LAKAS 17,180
3. Robenson M. Sale LAKAS 16,613
4. Rexner Jown V. Pastoral LAKAS 14,798
5. Ma. Vicenta L. Vidal LAKAS 14,580
6. Divina A. Opelanio LAKAS 14,478
7. Jerry Raphael I. Katigbak NUP 14,007
8. Orlando E. Noche LAKAS 13,717

Sa pagsisimula ng panibagong administrasyon, inaasahan na maipagpapatuloy ang pag-unlad ng Bayan ng Calaca sa pamumuno ni Mayor Boogle Ona.

Last Updated (Saturday, 25 May 2013 09:43)