Tuliang Bayan 2013

tuliang-bayan_2013Dalawang beses na nagsagawa ng libreng tuli ang Tanggapan ng Pambayang Kalusugan sa Municipal Health Center upang bigyang daan ang pagpapatuli ng mga batang nasa edad ngayong bakasyon.

Una na itong idinaos noong ika-3 ng Abril taong kasalukuyan kung saan nagkaroon ng 148 tagapakinabang at 140 naman sa ikalawang bugso na ginanap noong ika-10 ng nasabing buwan . Pinangunahan ni Dr. Sharon Ona ang gawain kasama ang mga kawani ng kanilang tanggapan katuwang sina Dr. Avel Perez, Dr. Sirikit Macatangay, Dr. Aldrin Cuasay, mga volunteer mula sa Taal Polymedic Hospital at ang Medtech na si Donald Endozo.