Get Adobe Flash player
Tuesday, 16th of July 2019
Home INFORMATION News Takbo para sa Kalusugan ng Kababaihan

Takbo para sa Kalusugan ng Kababaihan

takbo-para-sa-kalusugan-ng-kababaihan_2013-01Isang fun run na may temang “Takbo para sa Kalusugan ng Kababaihan 2013” ang idinaos sa Bayan ng Calaca bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan noong ika-22 ng Marso. Nilahukan ito ng 392 na kababaihan mula sa iba’t ibang barangay sa Bayan ng Calaca na tumakbo ng may limang kilometro mula sa Brgy. Madalunot patungong municipal hall grounds.

Nanguna sa nasabing fun run si Mrs. Mylene Manalo ng Brgy. Cahil na pinangalawahan naman ni Rosemarie Alcantara ng Brgy. Balimbing at pangatlo si Melalyn Hernandez ng Brgy. Cahil. Nag-uwi ng trophy at cash prize na PhP2,500, PhP2,000 at PhP1,500 ang mga nanalo na sa kabutihang palad ay dinagdagan pa ni ABC President Peping Gatdula ng tig-isang libong pisong premyo bawat isa.

takbo-para-sa-kalusugan-ng-kababaihan_2013-02Samantala, ang nalikom na halagang PHP54,110.00 sa palaro ay hinati-hati sa mga kababaihang may mabibigat na karamdaman at higit na nangangailangan ng atensyong medikal sa Bayan ng Calaca.

Masayang tinanggap ng bawat kababaihan ang salaping ipinagkaloob ng komite ng Municipal Women’s Coordinating Council  sa pamumuno ng kasalukuyang pangulo na si Dr. Sharon Ona at MSWDO Maharani Babasa. Lubos naman ang pasasalamat ng pamahalaang lokal sa mga masisigasig na kapitan at iba pang opisyal ng barangay katuwang ang kani-kanilang mga ginang ng tahanan sa aktibong pakikilahok at pagtangkilik sa nasabing proyekto kasabay ang hangarin na mas marami pang kababaihan ang matulungan ng MWCC.

 

Last Updated (Tuesday, 09 April 2013 21:49)