Calaca, Kinilala sa World TB Day Celebration

world-tb-day_2013Ang TB World Day ay pagdiriwang na ginaganap taun-taon tuwing buwan ng Marso sa buong Lalawigan ng Batangas. Sa pangunguna ng representative ng Department of Health na si Mr. Noel Pasion, ang TB World Day 2013 na may temang “Stop TB Makialam” ay matagumpay na idinaos sa Ponte Fino Hotel Batangas City noong ika-21 ng Marso 2013. Dumalo sa pagdiriwang ang gobernador ng lalawigan na si Kgg. Vilma Santos-Recto. Bawat bayan ay nagpadala din ng kani-kanilang representative upang makiisa sa pagdiriwang nito.

Lahat ng bayan ay kinilala at maraming ginawaran ng parangal, isa na dito ang Bayan ng Calaca na pinamumunuan ni Mayor Nas Ona kung saan kinilalang Best Municipal Health Officer in Tuberculosis Care ang ating masipag na Municipal Health Officer na si Dr. Marjolyne Sharon V. Ona. Tumanggap din ng parangal ang Rural Health Unit ng Calaca bilang Public Health Facility with High TB Case Detection Rate and Cure Rate in 50-99 thousand population category for the year 2012.

Inaasahan na lalo pang makikilala ang Bayan ng Calaca sa larangan ng pagpapagaling, panggagamot at pangangalaga sa may sakit na TB. Kaya inaanyayahan ang mga Calaqueñong nakakaranas ng dalawang linggong pag-uubo na magtungo sa health center upang matingnan ng manggagamot, maalagaan at malabanan ang nakamamatay na tuberculosis.