Get Adobe Flash player
Saturday, 15th of December 2018
Home INFORMATION News NASa Nayon Ang Serbisyo

NASa Nayon Ang Serbisyo

nas-barangayan-balimbing_01172013Tumungo ang NASa Nayon Ang Serbisyo Barangayan team sa Barangay Balimbing noong ika-17 ng Enero upang maghatid ng serbisyo sa nasabing lugar. Bitbit ang iba’t ibang serbisyo ng lokal na pamahalaan, buong galak nila itong inihatid sa bawat mamamayan. Mistulang isang pagtitipon at ugnayan ang araw na ito na dinaluhan ng mga mamamayan sa pamumuno ni Kapt. Cipriano Pueblo.

Libreng konsultasyon, bunot ng ngipin, tuli at mga gamot ang ilan sa serbisyong naipagkaloob ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan. Samantala namahagi naman ng libreng butong gulay at nagbakuna sa mga aso at baka ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor; libreng gupit, masahe at meryenda ang idinulot ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunang Pangkaunlarang Paglilingkod na sinamahan pa ng pagrerehistro ng mga senior citizens, solo parents at PWD (Persons With Disability).  Bagong sedula at pagrerehistro ng mga bata ang pangunahing serbisyong dala ng Tanggapan ng Ingat-Yaman at Pambayang Tagatalang Sibil. Nagbigay kasiyahan naman ang paligsahan sa pagkanta ng senior citizens at mga bulilit habang abala ang lahat sa pakikinig.

Ang parehong serbisyo ay inihatid din sa Barangay Tamayo noong Enero 31 at Barangay Matipok noong ika-7 ng Pebrero kung saan malugod silang tinanggap ng mga mamamayan sa pamununo nina Kapt. Jimmy Balbacal at Kapt. Mario Bitang ng nasabing mga barangay.

Nakatakda ring magtungo sa mga susunod na araw ang barangayan team sa iba pang barangay at sitio ng Bayan ng Calaca para ihatid ang nasabing serbisyo sa pamumuno ni Mayor Nas Ona.