Get Adobe Flash player
Saturday, 15th of December 2018
Home INFORMATION News CBMS Seminar

CBMS Seminar

cbms-seminar_01142013Isang training-workshop ang isinagawa sa Bayan ng Calaca hinggil sa Community-Based Monitoring System. Ito ay dinaluhan ng mga natukoy na enumerators at encoders sa 40 barangay. Nahati sa dalawang batches ang nasabing pagsasanay, isinagawa ang first batch noong Enero 8-10 samantalang Enero 14-17, 2013 ang ikalawang grupo. Sumailalim sa pagsasanay ng mga trainer mula sa CBMS team ng provincial government sa pamumuno ni G. Medel Salazar at mga kasama ang 222 na nagsanay.

Dinisenyo ang seminar na ito upang ihanda ang mga enumerator sa isang survey o pakikipagpanayam sa mga nasasakupan upang matukoy ang mga pangunahing serbisyong kailangan ng mga mamamayan na dapat matugunan ng mga ahensya ng gobyerno na may direktang kinalaman dito. Makatutulong din ito upang makita ang mga salik na pinag-uugatan ng nasabing suliranin na magiging basehan upang mabigyan ng solusyon.

Pagkatapos ng pagsasanay, sila ay magtutungo sa kani-kanilang barangay upang mangalap ng datus base sa mga pamantayang ipinaloob sa kanilang pinag-aralan.

Matatandaan na ang CBMS ay nagsimula sa bayan ng Calaca noong taong 2009 sa pangunguna ni Municipal Planning and Development Officer Luisito Manalo kasama ang ilang piling mga pinuno ng tanggapan at kawani ganun din ang mga natukoy na enumerators ng panahong iyon. Napatunayang nakatulong ng malaki ang CBMS sa pambansa, panlalawigan at lokal na pamahalaan upang tukuyin ang mga suliranin ng mamamayan at mabigyang solusyon ito.