Get Adobe Flash player
Saturday, 15th of December 2018
Home INFORMATION News Pasko nina Lolo’t Lola

Pasko nina Lolo’t Lola

senior-xmas-party-2012_01Isang pamaskong handog para sa mga senior citizens ang inihanda ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni Gng. Maharani Babasa sa ginanap na Christmas party noong Disyembre 28, 2012 sa Calaca Gymnasium.

senior-xmas-party-2012_02Dinaluhan ito ng mahigit 500 lolo’t lola mula sa iba’t ibang barangay. Raffles ang pinakaaabangang sandali ng mga katatandaan at hindi naman sila nabigo dahil umapaw ang mga papremyo mula sa mabubuting loob na ninais pasayahin sila sa panahon ng kapaskuhan. Nagkaroon din sila ng mga games na nagpadagdag sa kasiyahan ng araw Isang simpleng pananghalian ang kanilang pinagsaluhan bago tuluyang naghiwa-hiwalay baon ang panalangin na biyayaan pa sila ng mahabang buhay upang muling magkita-kita sa susunod na Christmas party.

Last Updated (Monday, 07 January 2013 20:59)