Get Adobe Flash player
Monday, 23rd of September 2019
Home INFORMATION News LUNAS Volunteers’ General Assembly

LUNAS Volunteers’ General Assembly

lunas-assembly_12-2012Isang pangkalahatang pagpupulong ang isinagawa sa bulwagan ng Lokal na Pamahalaang Bayan noong ika-19 ng Disyembre upang bigyang daan ang pamamahagi ng honorarium ng mga LUNAS Volunteers sa bayang ito.

Dinaluhan ang okasyon ni Mayor Nas Ona kasama si Kon. Deovic Ontangco upang maghatid ng kanilang mensahe ng pagbati para sa nalalapit na kapaskuhan. Sinamantala din nila ang pagkakataon upang pasalamatan ang mga volunteers sa kanilang ginagawang pagtulong sa pagpapabuti ng serbisyo sa mga mamamayan sa mga barangay.

Masaya naman ang mga miyembro ng LUNAS Kalusugan, LUNAS Kapayapaan, LUNAS Kabatiran, Barangay Animal Health Workers, MFARMC at Bantay Dagat dahil sa munting biyayang ipinagkaloob sa kanila para sa huling kuwarter ng taon.

Last Updated (Monday, 07 January 2013 20:51)