NAS-NAS Barangayan

nas-nas-barangayan_12-2012_01Muling naghatid ng serbisyo publiko ang lokal na pamahalaang Bayan ng Calaca sa pamamagitan ng pagsasagawa ng NASa Nayon ang Serbisyo Barangayan program sa Barangay Lumbang na Matanda noong ika-13 ng Disyembre 2012.

Isandaan sa mga mamamayan dito ang tumanggap ng libreng serbisyong dental, 290 ang nabigyan ng atensyong medikal at 14 na bata ang natuli ng mga kawani ng Municipal Health office sa pangunguna ni Dr. Sharon Ona. Tatlong daang bata naman ang nakinabang sa supplemental feeding partikular ang mga batang mababa ang timbang; walong senior citizens at anim na solo parents ang nairehistro; 22 ang nabigyan ng libreng serbisyo ng gupit at 32 ang namasahe ng mga tauhan na kabilang sa tanggapan ng Social Welfare and Development. Ang Livestock Inspector na si Cristy Balitostos katulong ang Barangay Animal Health Worker ng nasabing barangay ay nakapagbakuna ng 48 aso at tatlong pusa ; 177 naman ang nabiyayaan ng mga libreng butong gulay na pananim sa bakuran tanggapan ng Pambayang Pagsasaka. Isang bata ang nairehistro ng tanggapan ng Pambayang Tagatalang Sibil.

Buong galak ang naging pagtanggap at lubos ang pasasalamat ng nasabing barangay sa pamumuno ni Kapt. Bartolome V. Rivera kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay, LUNAS Volunteer workers at mga mamamayan sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Nas Ona.

nas-nas-barangayan_12-2012_02 nas-nas-barangayan_12-2012_03 nas-nas-barangayan_12-2012_04
nas-nas-barangayan_12-2012_05 nas-nas-barangayan_12-2012_06 nas-nas-barangayan_12-2012_07

Last Updated (Monday, 07 January 2013 20:46)