Get Adobe Flash player
Saturday, 19th of October 2019
Home INFORMATION News TEAM ONA Nanaig sa Local Elections

TEAM ONA Nanaig sa Local Elections

team-ona-2019Matapos ang mapayapa at matahimik na halalan noong nakaraang Mayo 13, 2019, idineklara ang mga bagong hanay ng opisyal ng lokal na pamahalaan para sa susunod na tatlong taon (2019-2022).

Sa botong 34,166, nanaig si Mayor Nas Ona laban sa kanyang katunggali na si Roberto Landicho na nakakuha ng 5,154 na boto. Samantalang unopposed candidate sa pagka-pangalawang punumbayan si Vice Mayor Renante Macalindong na nasa kanyang ikatlong termino. Sa pagbabalik ni Mayor Nas Ona, inaasahan na mas paiigtingin pa nito ang hangaring higit pang umunlad ang bayan ng Calaca at makakaasa ang mamamayang Calaqueño sa kanyang ‘ika nag’y taga sa panahong panunungkulan bilang ama ng bayan ng Calaca bitbit ang kanyang mga karanasan bilang 3 term mayor at tatlong taon bilang bise gobernador ng lalawigan ng Batangas.

Narito ang tala ng mga nanalong miyembro ng Sangguniang Bayan:

1. Katigbak,Jerry Rapahel 29,879
2. Ontangco, Deovic (NP) 28,669
3. Salazar, Michael Jones (NP) 23,496
4. Noche, Orlando (NP) 22,783
5. Vidal Ma. Vicenta (NP) 22,640
6. Pastoral, Igmedio (NP) 21,037
7. Panaligan Nestor (NP) 20,941
8. Dajoyag, Emma (IND) 20,709

Last Updated (Sunday, 26 May 2019 16:55)