Get Adobe Flash player
Monday, 17th of June 2019
Home INFORMATION News Gen. Eleuterio Marasigan Day

Gen. Eleuterio Marasigan Day

gen-terio-day-2019 01Isang paggunita sa pagdiriwang ng ika-153 taong araw ng kapanMganakan ng bayaning Calaqueño, Gen. Eleuterio Gomez Marasigan ang isinagawa ng Lokal na Pamahalang bayan ng Calaca noong ika-23 ng buwan ng Mayo na ginanap sa bantayog ng bayani na matatagpuan sa compound ng lumang gusali ng lokal na pamahalaan at dinaluhan ng ilang kaanak ng heneral ganun din ng mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan, DepEd, mga pribadong kumpanya at mga organisasyon.

gen-terio-day-2019 02Matapos ang misa para sa kaarawan ng bayani, isinagawa ang pagpupugay sa kanyang mga nagawa para sa inang bayan at nagwakas sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog nito. Itinampok ang CaLingAplaya (Calaqueñong Mapagkalinga sa Aplaya) kung saan nagtungo ang lahat ng dumalo sa palatuntunan sa mga baybay dagat upang maglinis. Kaalinsabay nito ang mga taga upland at highway barangay naman ay nakiisa rin sa sabayang paglilinis sa kani-kanilang nasasakupan.

gen-terio-day-2019 03Sa ganitong paraan mas nagiging makabuluhan ang mga katagang bayani na hindi nangangahulugan lamang na pag-aalay ng buhay, talino at husay sa pakikipaglaban manapa’y ang pag-aalay ng panahon upang makapag-ambag sa kalinisan ng buong komunidad.

Ang Mayo 23 sa bayan ng Calaca ay idineklarang special non-working day ng Malacañang taun-taon bilang pagkilala sa araw ng kapanganakan ng bayaning heneral Terio upang bigyang ng sapat na pagpupugay ang mga mamamayang Calaqueño para sa mahalagang araw na ito.

Lubos ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan sa lahat ng nakiisa sa taunang pagdiriwang ng nasabing okasyon partikular ang sabayang paglilinis sa kapaligiran.

 

Last Updated (Sunday, 26 May 2019 16:39)