Get Adobe Flash player
Monday, 17th of June 2019
Home INFORMATION News GAD para sa Bayang Matatag

GAD para sa Bayang Matatag

gad-seminarIsinagawa sa loob ng dalawang araw (May 9-10) ang Seminar-Workshop on Strengthening Faith, Works & Family Life para sa mga kawani at opisyal ng Lokal na Pamahalaan na ginanap sa municipal training room sa pangangasiwa ng Human Resource & Management Office na pinamumunuan ni Gng. Ma. Cristina M. De Los Reyes.

Sa loob ng dalawang araw hinati ang 403 mga dumalo sa tatlong batches. Nagsilbing resource speaker si Engr. Victor Alvarez an kasalukuyang Chairman ng Ministry for Family & Life ng Archdiocese of Lipa & Regional Head-Couples for Christ sa Bicol Region. Kabilang sa mga paksang tinalakay ang kahalagahan ng maayos na pamilya sa pagbuo ng isang komunidad. Ang role na ginagampanan ng bawat miyembro ng pamilya at kung paano patatagin ang isang sambahayan na siyang susi ng isang matatag na lipunan.

Tinalakay din ang mga pangkaraniwang balakid sa pagkakawatak watak ng isang pamilya at kung paano ito masusulosyunan.

Isinagawa ang pagsasanay bilang pagsusulong ng Gender and Equality sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan bahagi ng GAD program.

Matapos ang training, umuwi ang mga kalahok na baon ang munting karagdagang kaalaman na maisasabuhay sa sariling tahanan.

Last Updated (Sunday, 26 May 2019 16:40)