Get Adobe Flash player
Tuesday, 19th of November 2019
Home INFORMATION News NAPOLCOM Entrance at Promotional Exams sa Calaca

NAPOLCOM Entrance at Promotional Exams sa Calaca

napolcom-examsHumigit kumulang 1000 aktibong pulis sa serbisyo at mga nagnanais maging pulis ang matagumpay na nakakuha ng pagsusulit sa ginanap na NAPOLCOM Entrance ang Promotional Examinations sa Calaca Senior High School sa bayang ito noong ika-28 ng Abril, 2019.

Ang eksaminasyon ay naisakatuparan sa maayos na pag-uugnayan na namagitan sa Lokal na Pamahalaan ng Calaca sa pamumuno ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona at NAPOLCOM Region IV na pinangungunahan ni Director Angelito R. Ravanera. Buwan ng Pebrero nagkaroon ng MOA signing sa pagitan ng dalawang pinuno at naisakatuparan ang pagsusulit sa nabanggit na petsa.

Layunin ng programa na ilapit ang serbisyo sa mga taga Batangas partikular sa mga taga Calaca na nagnanais maging pulis at makapasa sa promotional exam upang tumaas ang ranggo. Isa din itong oportunidad upang makarating sa Calaca ang mga taga ibang lugar sa CALABARZON.