9-Milyon para sa LGU Sponsored Philhealth

9m-lgu-philhealthMuling namahagi ng Membership Data Record (MDR) at PhilHealth Cards ang pamahalaang bayan ng Calaca sa pamamagitan ng Municipal Health Office na pinamumunuan ni Dr. Marjolyne Sharon V. Ona noong ika-10 ng Abril 2019 sa Calaca Multi-Purpose Gymnasium. May kabuuang 3,750 Calaqueño ang nabigyan ng Philhealth na nilaanan ng halagang Php9,000,000.00 mula sa pondo ng lokal na pamahalaan.

Naanyayahan si Bb. Cecil Reyes (PhilHealth Coordinator), na nagbahagi ng kaalaman at impormasyon tungkol sa iba’t ibang kategorya ng PhilHealth at maging ang kahalagahan ng pagkakaroon nito. Dumalo rin si G. Juan Montaña Jr., Head ng Local Health Insurance Office - Lemery Branch at inilahad ang mga alituntunin at polisiya sa paggamit ng PhilHealth.

Nagpaunlak din sa pamamahagi sina Vice Governor Nas Ona at Mayor Boogle Ona na nagpahayag ng kanilang kaluguran at pagsuporta sa patuloy na maayos serbisyong pangkalusugan sa nasasakupan. Layunin ng programang ito na mabigyan ng seguridad ang bawat isang Calaqueño sa oras ng pagkakasakit. /Hazel Manalo (RHU Staff)

Last Updated (Thursday, 09 May 2019 09:49)