Get Adobe Flash player
Monday, 23rd of September 2019
Home INFORMATION News Carrera de Paso

Carrera de Paso

carrera-de-paso-2019 01Buhay na buhay ang Carrera de Paso isang tradisyong Calaqueño sa muling pagdaraos nito noong nakaraang Miyerkules Santo (Abril 17, 2019) sa kahabaan ng Dacanlao National Highway Calaca, Batangas.

Binuksan ang okasyon sa pamamagitan ng motorcade na pinangunahan ng mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan kasama  ang nagggandahang cow girls mula sa gusali ng pamahalaang bayan tungo sa venue ng karerahan kung saan naghihintay ang mga mangangarera mula sa  Cavite, Laguna, Quezon, Bulacan, Pampanga, Bicol at Maynila ganun din ang mga karatig bayan ng Calaca gaya ng Lemery, Taal, Nasugbu at Agoncillo. carrera-de-paso-2019 02Hila ang kani-kanilang kabayo nagtungo sila sa tinatawag na ulutan upang ihanap ng makakalaban ang kanilang kabayo sa bawat takbo. Ang kabayo na may hilang tiburin na unang nakarating sa finish line ang siyang panalo at may premyong Php2000 at Php1000 ang bawat natalo kada takbo at maaring nadagdagan  pa sa  pagsali sa sunod na race. Ang bawat magkalabang kabayo ay hinusgahan ng itinalagang hurado  ng komite base sa itinakdang mechanics ng karera.

carrera-de-paso-2019 03Sa kabuuan nagkaroon ng 40 pares ng kabayo na nagtagisan sa bawat pagtakbo sa programang nagsimula ganap na ika-2 ng hapon at nagtapos ganap na alas-singko y medya.

Ang Carrera de Paso ay daan taong tradisyong ginaganap sa bayan ng Calaca tuwing Miyerkules Santo bahagi ng nakaugaliang pagsisimba  ng mga deboto ni Santo San Rafael, ang patron ng mga taga Calaca na nagmula pa sa iba’t ibang lugar upang magsimba  noong araw sakay sa kanilang mga kabayo bilang paraan ng transportasyon at kapagdaka’y magdaraos ng karera ng kabayo bilang bahagi ng kasiyahan.

 

Last Updated (Monday, 29 April 2019 10:09)