Get Adobe Flash player
Friday, 06th of December 2019
Home INFORMATION News Bingo Sosyal, Bumenta sa Women’s Month

Bingo Sosyal, Bumenta sa Women’s Month

wm-bingo-sosyal-2019 01Dinumog ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa bayan ng Calaca noong ika-8 ng buwan ng Marso na may temang We Make Change Work for Women na pinangunahan ni Mayora Catherine F. Ona, Pangulo ng Samahan ng Kababaihan sa pagtataguyod ng Municipal Social Welfare and Development Office katuwang ang mga samahan ng kababaihan sa mga barangay kung saan itinampok sa okasyon ang bingo sosyal na inabangan ng marami dahil sa malaking papremyo ngayong taon.

Sa gitna ng hindi mahulugang karayom na mga tao, lalong pinatingkad ang okasyon sa pagtatanghal ng celebrity na si Aljur Abrenica na tinilian ng crowd lalo na ng mga kabataan.

wm-bingo-sosyal-2019 02Mas naging exciting ang pagtitipon sa bingo proper kung saan binuo ang WOMEN’S DAY sa bawat game na may premyong Php3,000-Php9,000, Php15,000, Php20,000 at Php100,000 para sa jackpot.

Ang kabuuang halagang Php120,000 na nalikom (kasama na dito ang Php50,000 na donasyon ni Mayor Boogle Ona) ay ipanamahagi sa 30 kababaihan sa bayan ng Calaca na may malulubhang karamdaman bilang medical assistance.

 

Last Updated (Sunday, 14 April 2019 10:15)