Get Adobe Flash player
Monday, 17th of June 2019
Home INFORMATION News 1st MBO Urban Fire Olympics, Tampok sa Fire Prevention Month

1st MBO Urban Fire Olympics, Tampok sa Fire Prevention Month

1st-mbo-urban-fire-olympicsTaun-taon, tuwing sasapit ang buwan ng Marso ang Himpilan ng Pamatay Sunog ay nagdiriwanga ng mga aktibidad para sa Fire Prevention Month. Ngayon taon ang pagdiriwang ay may temang “Ligtas na Pilipinas ating Kamtin, Bawat Pamilya ay Sanayin, Kaalaman sa Sunog ay Palawakin”. Kaugnay nito nagkaroon ng iba’t ibang Information Education Campaign (IEC) ang himpilan upang bigyan ng wastong kaalaman ang mga mamamayan sa pag-iwas sa panganib ng sunog. Noong ika- 20 ng Marso, sa kauna-unahang pagkakataon ay naisagawa ang 1st Mayor Boogle Ona Urban Fire Olympics sa pagtutulungan ng Bureau of Fire Protection Calaca na pinangungunahan ni S/Insp. Jonathan A. Malundas at ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office na pinamumunuan ni G. Sherwin R. Comia at nilahukan ng apat (4) na Barangay at anim (6) na locators sa nasasakupan ng Calaca.

Kabilang sa mga barangay na lumahok ang sumusunod: Poblacion 3 & 4 (Team Quatres), Lumbang Calzada, 3 San Rafael at Puting Bato West na binubuo ng 15 miyembro at nilahukan ng South Pacific ERT Fire Brigade, High Street Emergency Response Team (Ert), Phoenix Petroleum Philippines Incorporated, Sem Calaca Power Generation Corporation, South West Luzon Power Generation Corporation at Knauf Gypsum Philippines Incorporated.

Nagtagisan ang mga kalahok sa mahusay at mabilis na pag-aksyon sa panahon ng sunog. Layunin ng activity na subukin ang kanilang mga natutunan sa pagsasanay upang agarang makaresponde sa pangangailangan ng komunidad.

Bawat team ay may kanya- kanya Muse na nagpaligsahan ng aking ganda. Nag-uwi ng cash prizes at trophies ang sumusunod na mga nanalo sa patimpalak.

Barangay Category:

·         Muse- Angelina L. Padilla of Puting Bato West (Sash, Bouquet, gift and Php 3000

·         Best in Uniform - Brgy. San Rafael ( Php 1,500.00)

·         Bucket Relay, Flammable Liquid and Busted Hose – Quatres

·         3rd Place – Lumbang Calzada ( Php 2,000.00)

·         2nd Place – P. Bato West (Php 5,000.00)

·         Over-all Winner – Quatres (Php 10,000.00)

Industrial Category:

·         Muse – Ma. Fatima P. Tumbaga of Southwest Luzon Power Corporation (Sash, bouquet, gift at Php 3,000.00)

·         Best in Uniform – KNAUF GYPSUM PHILIPPINES INCORPORATED

·         Flammable Liquid - Southwest Luzon Power Corporation ( trophy)

·         Rescue and Transfer Relay – Phoenix Petroleum Philippines Inc. ( trophy)

·         Combination of Busted Hose - Southwest Luzon Power Corporation ( trophy)

·         3rd Place – Sem Calaca ( Php2,000.00)

·         2nd Place – High Street Manufacturing ( Php5,000.00)

·         Over- all Winner - Southwest Luzon Power Corporation (Php10,000.00)

/Mary Jane B. Rosa (MDRRMO Staff)