Get Adobe Flash player
Sunday, 24th of March 2019
Home INFORMATION News ALS, OSY at SK: Tumanggap ng Livelihood Training

ALS, OSY at SK: Tumanggap ng Livelihood Training

als-osy-sk-livelihood-trainingSumailalim sa tatlong araw na pagsasanay sa Silk Screen Printing at Paper & Novelty Items Making ang may 60 mga kabataan mula sa Out of School Youth (OSY), Alternative Learning System (ALS) at Sangguniang Kabataan na ginanap sa bahay pamahalaan ng Calaca noong Marso 5-7, 2018 sa ilalim ng programang pangkabuhayan ng Municipal Social Welfare and Development Office na nakaangla sa Gender & Development Fund.

Matapos ang tatlong araw na training, isinagawa nag closing ceremony na dinaluhan ng mga opisyal ng bayan kasama si Gng. Erlinda Binanitan, Training Director - Negoskewla Livelihood Training. Ipinahayag sa mensahe ng mga opisyal ang kagalakan sa kanilang ipinamalas na kasanayan sa loob ng tatlong araw sa pamamagitan ng kanilang mga output na naka-exhibit sa training room.

Bukod sa katibayan ng pagtatapos, pinagkalooban din sila ng lokal na pamahalaan ang bawat grupo ng starter kits at halagang Php 5000 puhunan sa kanilang pagsisimula ng livelihood program.Naglalayon ang programa na bigyang kamalayan ang mga kabataan sa pagkakaroon ng ikabubuhay para sa kanilang sarili at pamilya.

Naisakatuparan ang programa sa pakikipag-ugnayan ng nasabing tanggapan sa pakikipag-ugnayan ng focal point person nito na si Gng. Ma. Luisa L. Gutierrez sa Skill Power Institute, Inc. (Negoskwela). Ang nasabing ahensya ay pribado at nagbibigay ng mga pagsasanay upang makatulong na makapag-develop ng kakayahan na magagamit sa pagkakaroon ng kabuhayan para sa mga kabataang dumalo.