Get Adobe Flash player
Sunday, 24th of March 2019
Home INFORMATION News Kasalang Bayan 2019

Kasalang Bayan 2019

kasalang-bayan-2019 01Isang mass garden wedding ang idinaos sa bayan ng Calaca kasabay ng pagdaraos ng Araw ng mga Puso kung saan 59 na pares ang ikinasal ni Mayor Sofronio Manuel C. Ona na sinaksihan ng mga panauhin sa okasyon kabilang si G. Raul Maximo B. Tolentino, Provincial Statistics officer (PSA Batangas), ganudin ng mga halal na opisyal ng bayan, mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga ninong at ninang at mga kapamilya ng mga ikinasal.

Inilahad ng punongbayan sa kanyang mensahe ang ilan sa mga tagubilin nito sa mga ikinasal una na dito ang kasalan ng mag-asawa ay kasalan din ng mga kapamilya nito at ng mga barangay o bayan ng bawat isa, ikalawa ang isyu ng pananalapi at ikatlo hangad nito na maging masaya ang mg aikinasal sa kanilang pagbuo ng kanilang pamilya.

kasalang-bayan-2019 02Habang isinasagawa ng seremonya, sinasaliwan ito ng mga romantic songs hatid ng 9 lives band ganun din mga awiting handog ng mga kawani ng munisipyo.

Matapos ang seremonyas, nagsalu-salo ang lahat sa isang hapunang inihanda ng lokal na pamahalaan at nagtapos sa photo ops at gift giving para sa mga ikinasal.

Ang nasabing kasalang bayan ay nasa ika-15 taon na ng pagsasagawa sa pangunguna ng Tanggpan ng Pambayang Tagatalang Sibil sa pamumuno ni Gng. Ma. Cristina M. De Los Reyes katuwang ang Tanggapan ng Punongbayan.

Last Updated (Sunday, 24 February 2019 09:07)