Get Adobe Flash player
Thursday, 19th of September 2019
Home INFORMATION News Coconut Organic Fertilizers, Hatid ng PCA

Coconut Organic Fertilizers, Hatid ng PCA

pca-organic-fertilizersSa ilalim ng programang Coconut Fertilization Project ay namahagi ng 1,000 sako ng Coconut-Coir Based Organic Fertilizer o CCBOF ang Philippine Coconut Authority (PCA) sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Calaca sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor noong ika-23 ng Enero, 2019.

Ang nasabing programa ay naglalayong mapalago at maparami ang bunga ng mga puno ng niyog hindi lamang sa bayan ng Calaca kun’di sa buong lalawigan ng Batangas. Sa pangunguna ni G. Jay D. Atienza, representante ng PCA, 73 Calaqueñong magniniyog mula sa 15 mga barangay ang nabiyayaan ng CCBOF.

Base sa hatian na walong (8) kilo ng CCBOF kada isang puno ng niyog ay 35 sako ang ipinamahagi sa mga magniniyog ng barangay Makina; 50 sa barangay Baclas; 70 sa barangay Lumbang na Bata; 90 sa barangay Niyugan; 40 sa barangay Bambang; 50 sa barangay Lumbang na Matanda; 70 sa barangay Timbain; 70 sa barangay Pantay; 60 sa barangay Coral ni Bacal; 60 sa barangay Caluangan; 170 sa barangay Dila; 50 sa barangay Bisaya; 100 sa barangay Taklang Anak; 65 sa Barangay Balimbing; at 20 sa barangay Cahil, na may kabuuang 1,000 sako ng CCBOF.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay ibinaba ng parehong ahensya sa tulong ng lokal na pamahalaan ang programang Participatory Coconut Planting na siyang tumugon sa planong muling maparami ang bilang ng namumuhay na puno ng niyog sa lalawigan. Ipinabatid naman ng PCA na makaaasa ang mga mamamayan nating magniniyog na patuloy silang magpapatupad at maglulunsad ng mga ganitong uri ng programa na tiyak na makakatulong sa pag-angat ng antas ng industriya ng niyog at sa kanilang pamumuhay. /Engr. John Edward M. Pacis (Agri. Office)