Get Adobe Flash player
Wednesday, 20th of February 2019
Home INFORMATION News RPN CUP Season 3, Muling Aarangkada!

RPN CUP Season 3, Muling Aarangkada!

rpn-cup-3 01Binukasan ang ikatlong season ng Ruperto P. Noche, Jr. Cup Inte-Department Basketball & VolleyballTornament  noong ika-24 ng Enero, 2019 ganap na alas 4:00 ng hapon  na sinalihan ng sampung koponan mula sa lokal na pamahalaan ganun din ng mga national agenciy sa nasasakupan ng Calaca.

Kabilang sa nasabing mga koponan ang Calaca City na binubuo ng mga tanggapan ng Punongbayan, Pangalawang Punongbayan, Sangguniang Bayan, Kalihim ng Sangguniang Bayan, DILG MDRRMO at RHU; Captains na binubuo ng mga kapitan at konsehal ng mga barangay, E-Youth naman ang koponang kinabibilangan ng mga Sangguniang Kabataan; Second Floor All Star ang koponan na binubuo ng Admin.Office, GSO, Budget, Engineering, Planning, HRMO, MTC at COMELEC. Samantala, lahat ng nga opisina sa unang palapag ng munisipyo ang bumubuo sa Ground Defenders kasama dito ang LCR, BPLO, Info, MSWDO, Agriculture, Treasury, Assessor, Accounting at DTI. Nakipag-merge din sa kanilang koponan ang BFP. May sariling koponan naman ang Office of the Market Supervisor & Slaughterhouse kasama ng TMG at PSG na tinawag ang kanilang grupo na Market Enforcer. Hindi rin nagpahuli ang koponan ng DepEd Elementary at Secondary, CENRO-Calaca at PNP.

rpn-cup-3 02Gaya ng nakagawian, nagsimula ang programa sa makulay na parade na agad sinundan ng mga mensahe mula sa mga halal na opisyal ng bayan at kay G. Ruperto P. Noche, Jr., ang pinakamatagal na nagsilbi bilang Municipal Administrator ng Bayan ng Calaca at sa kanya din ipinangalan ang naturang liga bilang pasasalamat at pag-appreciate ng LGU sa mga natatanging ambag nito sa bayan ng Calaca.

Rumampa ang muses ng 10 teams at napiling best muse si Jowsel Marquez ng team PNP, nasungkit ng Calaca City ang best in uniform. Naging panauhin sa okasyon at guest muse ng Calaca City ang ex -PBB Lucky 7 housemate at varsity player, Kristine Hammond.

rpn-cup-3 03Matapos ang programa, nagkaroon ng draw lots para sa iskedyul ng game na siyang aabangan tuwing araw ng Martes hanggang Biyernes mula alas 5:30 ng hapon. Inumpisahan na din ang salpukan ng ang 4 na koponan ng volleyball sa pagitan ng Calaca City kontra Second Floor all Star (Volleyball Girls) na napagwagian ng una, DepEd Elem VS. E-Youth (volleyball boys) na napagwagian din ng una. Sa basketball naman, nagsalpukan ang Cenro Calaca kontra Ground Defenders na napagtagumpayan ng huli sa 1st game at nagbakbakan ang PNP laban sa Second Floor All Star na napanalunan ng una sa second game.

Ayon kay Mayor Ona,walang team na uuwing luhaan pagkatapos ng  paliga dahil lahat ay  may tyansang mag-uuwi ng premyo na Php 50,000 para sa champion, Php40,000, Php30,000, Php20,000 para sa first, second at third runner-up samantalang ang losing team naman ay may Php10,000 consolation prize. 

Last Updated (Monday, 04 February 2019 13:56)