Get Adobe Flash player
Friday, 06th of December 2019
Home INFORMATION News LTOPF Application, Inilapit sa Masa

LTOPF Application, Inilapit sa Masa

ltopf-applicationBinigyang katuparan ang matagal nang kahilingan ng mga mamamayang Calaqueño na matulungan ng mga otoridad na mapadali ang pagkuha ng mga requirement sa LTOPF o License to Own and Possess Firearm sa isinagawang LTOPF application program na magkatuwang na inilunsad ng Calaca Municipal Police Station at Pamahalaang Lokal ng Calaca noong ika 9-10 ng buwan ng Enero sa gusali ng pamahalaang bayan kung saan nakapagtala ng 123 registeterd applicants.

Bahagi ng programa ang pagsasagawa ng on–site drug testing, Neuro-Psychiatric Test, Gun Safety & Responsible Gun Ownership Seminar at medical. Naging kaagapay sa pagsasagawa ng programa ang Regional Civil Security Unit IVA (RCSU4A), RFSO4A , JGH Gun Club at SOCO-Batangas Crime Laboratory.

Ang LTOPF ay pangunahing requirement sa pag-a-apply ng lisensya o renewal ng lisensya ng firearm. Isa itong proseso na sa Camp Crame ginagawa at isa din sa pangunahing daing ng mga Calaqueñong may baril kung kaya hindi na nakakapag-renew ng firearm ang karamihan. Bagamat hindi libre ang programa, Malaki pa ring tulong ang pagsasagawa nito sa Calaca dahil hindi na kailangang lumuwas ng Maynila ang mga aplikante, mas nakatipid pa sila ng gastos at oras.

Ayon kay PO2 Ferdimar Velasco, Coordinator ng Calaca Municipal Police Station, malaking tulong ito sa mga nagmamay-ari ng baril sa Calaca at sa kampanya ng kapulisan laban sa mga illegal possession of firearms sa bayang ito.