Get Adobe Flash player
Monday, 17th of June 2019
Home INFORMATION News Calaca Bantay Dagat Wagi sa BRAVO 2018

Calaca Bantay Dagat Wagi sa BRAVO 2018

calaca-bantay-dagat-bravo-2018Nakamit ng Calaca Bantay Dagat ang ikatlong pwesto bilang Best Bantay Dagat ng buong lalawigan ng Batangas sa ginanap na Batangas Recognition Awards for Verde Passage’s Outstanding Marine/Mangrove Protected Areas and Bantay Dagat (BRAVO) 2018 noong ika-8 ng Disyembre, 2018 sa Lima Technology Center, Malvar, Batangas.

Sa pangunguna ni Batangas Governor Hermilando I. Mandanas, PG-ENRO chief Luis Awitan at  partner agencies ng programa, kasama ang mga kalahok na nagmula sa iba’t ibang munisipalidad, ipinakita sa isang audio-visual presentation ang mga natatanging MPA at Bantay -Dagat at ang mga prosesong isinagawa sa pagpili sa mga ito. Ang naganap na pagpili ng mga finalists na pumasok sa bawat kategorya ay isinagawa ng mga masugid na miyembro ng technical committee na nagmula sa hanay ng akademya at pribadong sektor na sumusuporta sa pangangalaga ng Verde Island passage.

Nakamit naman ng Pamahalaang Lokal ng Calatagan ang unang pwesto at ng Balayan ang ikalawang pwesto.

Sa pamamagitan ng BRAVO 2018 ay binibigyang halaga ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas ang mga bayan at siyudad sa tabing dagat na may natatanging programa sa pangangalaga ng kanilang baybay dagat. Binubuo ito ng 15 mga munisipyo at siyudad kabilang ang Calaca, Balayan, Calatagan, Nasugbu, Lemery, Lobo, Lian, San Juan, San Luis, San Pascual, Bauan, Taal, Tingloy, Mabini at Batangas City na nabibilang sa Batangas Marine Protected Area (MPA) Network at naglalayon magkaroon ng proteksyon ang mga baybayin laban sa pagmamalabis, partikular na sa coral and marine sanctuary na napapaloob sa Verde Island Passage.

Ang programa ay nakapaloob sa pagdiriwang ng 43rd Batangas Foundation Day at kaalinsabay ng iba pang mga parangal na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Inaasahan ng pamunuan ng BRAVO 2018 na lalo pang mapagbuti ang pangangalaga sa yamang- dagat at baybay dagat ng buong lalawigan at katuwang ang lahat ng mga kasaping LGU sa pagpapaunlad ng sector na ito. /Engr. John Edward M. Pacis (Agri Office)

Nakamit ng Calaca Bantay Dagat ang ikatlong pwesto bilang Best Bantay Dagat ng buong lalawigan ng Batangas sa ginanap na Batangas Recognition Awards for Verde Passage’s Outstanding Marine/Mangrove Protected Areas and Bantay Dagat (BRAVO) 2018 noong ika-8 ng Disyembre, 2018 sa Lima Technology Center, Malvar, Batangas.