Get Adobe Flash player
Thursday, 19th of September 2019
Home INFORMATION News Candyland Christmas Village, Dinarayo sa Calaca

Candyland Christmas Village, Dinarayo sa Calaca

candyland-christmas-villageItinampok ng Lokal na Pamahalaan ng Calaca ang nakakatakam at nakakaaliw pagmasdang Candyland Christmas village para sa taong ito na dinarayo lalo na kung  gabi ng mga turista  upang makapag-selfie o groupie dahil sa makikinang at kumukutitap na iba’t ibang ilaw at palamuti na pinagsikapang buuin ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Boogle Ona, ang konsepto ay nabuo upang bigyang kasiyahan ang mga Calaqueño na lalong madama ang kagandahan ng holiday season sa pamamagitan ng paglalagay ng makukulay na dekorasyon sa gusali ng lokal na pamahalaan at sa compound nito na lubhang na-appreciate ng mga pumupunta lalo na ang mga batang Calaqueño at mga karatig bayan.

Taun-taon ay iba ang temang binubuo ng LGU katulad ng Christmas around the world theme, fantasy theme at marami pang iba. Naitampok na rin ang nasabing village sa sikat na morning show na Unang Hirit ng GMA 7.

Masisilayan ang Christmas village hanggang sa mga unang araw ng buwan ng Enero kung kaya naman may chance pa rin ma-enjoy ng lahat ang pagpapa-picture dito lalo na kapag weekends.