Get Adobe Flash player
Wednesday, 22nd of May 2019
Home INFORMATION News Annual Sectoral Assembly, Tagumpay

Annual Sectoral Assembly, Tagumpay

annual-sectoral-assembly-2018 01Gaya ng kinagawian tuwing magtatapos ang taon, nagkaroon ng year end evaluation ang iba’t-ibang sector nang lipunan sa bayan ng Calaca na pinangungunahan ng Tangagapan ng Pambayang Kagalingan, Panlipunang Paglilingkod at Pagpapaunlad (OMSWD) na ginanap noong Disyembre 18-19,2018, sa Municipal Gymnasium na binigyang-kulay ng mga palaro at Raffle Draws.

 

Nong Disyembre 18, ang mga meyembro ng PWD (Persons With Disability), Solo Parent at OFW (Overseas Filipino Workers) nagtipon-tipon simula ng 8:00 ng umaga hangang 12:00 g hapon na sinundan ng samahan ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender) , OSY (Out Of School Youth) at ERPAT ( Empowerment and Reaffirmation of Parental Abilities) na sinimulan bandang 1:00 ng hapon.

annual-sectoral-assembly-2018 02Samantalang noong Disyembre 19, ng umaga ay nagtipon-tipon ang mga Senior Citizen mula sa iba’t ibang Barangay upang makiisa at makisaya sa nasabing gawain at ‘di rin naman nagpahuli ang samahan ng mga kababaihan na siya namang nagdaos ng assembly bandang hapon matapos ang mga katatandaan.

Humigit kumulang dalawang libong katao ang nakisa sa gawaing ito na siyang maaring magpatunay na naging matagumpay ang nasabing tangapan na abutin at gawing aktibo ang iba’t ibang sector ng ating bayan. /Louie L. Gutierrez

Last Updated (Wednesday, 02 January 2019 12:51)