Get Adobe Flash player
Saturday, 20th of July 2019
Home INFORMATION News Nasa Dugo Mo ang Buhay Ko

Nasa Dugo Mo ang Buhay Ko

blood-olympics-2018Sa pagtutulungan ng buong tanggapan ng Calaca Rural Health Unit na pinamumunuan ni Dr. Marjolyne V. Ona, naisakatuparan ang matagumpay na blood olympics activity na may temang "Nasa Dugo Mo ang Buhay Ko" noong ika-7 ng Disyembre sa Calaca Gymnasium. Naging kabahagi din ang iba't ibang organisasyon kabilang ang Ospital ng Calaca, Provincial Health Office na binubuo ng limang (5) volunteers, Philippine Red Cross na may labing-isa (11) at Batangas Medical Center na binubuo naman ng dalawampu't pitong (27) volunteers. Nakiisa din ang Bureau of Fire Protection, Philippine Military, Philippine National Police, Local Government Unit at Lunas Kalusugan. Ang nasabing aktibidad ay nilahukan din ng apatnapung (40) barangay mula sa bayan ng Calaca na binubuo ng 393 donors. Dumagdag din ang dalawampu't limang (25) donors mula sa iba't ibang kumpanya.

Sa kabuuan, nakalikom ng 489 bags of blood na mas marami kung ikukumpara sa mga nakaraan. Sa gitna ng programa nagbigay ng pahayag si Mayor Boogle Ona, ayon sa kanya siya ay sumasaludo sa bawat isang CalaqueƱo na nagbuwis ng dugo para sa marami pang buhay na maaaring maligtas. Ang nasabing blood olympics ay nagsimula noong 2004 na isinasagawa dalawang beses sa isang taon tuwing ika-6 na buwan.

Ayon kay Mr. Arnold Valencia (Blood Coordinator-RHU), ang mga naipong dugo ay inilalaan para sa mga pasyenteng nangangailangan sa panahon ng emergency katulad ng aksidente, panganganak at iba pang gamit. Ang sinumang nais mag- donate ay kinakailangang may edad labing walong taong gulang (18) pataas, limampung (50) kilo ang timbang at walang tatoo, malakas ang pangangatawan at walang anumang sakit. Ang bawat isang donor ay nakatanggap ng T-shirt at Accident Insurance Card na nagkakahalaga ng Php 50,000.00 mula sa lokal na pamahalaan ng Calaca na maaaring magamit sa oras ng emergency.

Sa pagtatapos ng programa, nabakas ang saya sa bawat isang nakilahok na may kasiguraduhang sila ay makapagliligtas pa ng maraming buhay sa pamamagitan ng dugong kanilang ipinagkaloob. /Rose Marie Vidal (Calaca SHS Immersion)