Get Adobe Flash player
Sunday, 24th of March 2019
Home INFORMATION News Child-Friendly Barangays, Kinilala sa UCM Celebration

Child-Friendly Barangays, Kinilala sa UCM Celebration

ucm-celebration-2018Bilang bahagi nang pagdiriwang ng Universal Children’s Month, nagsagawa ng Children’s Congress ang Lokal na Pamahalaan ng Calaca sa pangunguna ng Tanggapan ng Pambayang Kagalingang Panglipunan Paglilingkod at Pagpapaunlad (OMSWD) noong Nobyembre 29, 2018, alas 8:00 ng umaga na dinaluhan ng humigit kumulang isang libong bata mula sa iba’t ibang pribado at pampublikong paaralan at mga samahan ng kabataan sa nasasakupan ng bayan Calaca. Tampok sa nasabing pagdiriwang ang State of The Children Address nang Kgg. Punong Bayan Sofronio Manuel C. Ona.

Sa kanyang nasabing madamdaming pag-uulat ay malugod niyang inilahad ang mga programang inilunsad, isinagawa at isinusulong na tumutugon sa mga karapatan ng bawat batang Calaqueño. Gayundin, iginawad and selyo ng pagkilala bilang 2017 Most Child Friendly Barangay sa Barangay Puting Bato East kalakip ang halagang 100,000.00 pisong halaga ng proyekto samatalang ang first at Second Place  ay pinagkalooban ng Plaque of Recognition at halagang 75,000.00 at 50,000.00 ay iginawad  sa Barangay Sinisian at Barangay Loma.

Pinagkalooban din ng 10,000.00 ang mga Barangay Coral Ni Bacal, Poblacion 4, Dila, Munting Coral, Matipok, at Makina bilang gantimpala bilang mga Finalist. Matapos ang ang pagsusuri sa kanilang mga Assessment Tools ang mga nabanggit na Barangay ay sumailalim sa masusing pagsisiyasat at pakikipanayam sa naganap na pagbisita sa mga Validators noong nakaraang Nobyembre 20, 2018, Na binuo ng mga miyembro ng LCPC sa pangunguna ni MGLOO Alberto Sandoval, MSWDO Maharani G. Babasa, Gng. Cerilina A. Manalo ng Deped, at Mrs. Lourdes Mercado ng MHO.

Bahagi rin ng nasabing pagdiriwang ang Spoken Word Poetry Contest para sa mga Junior High School Student ng Calaca, gamit ang tema ng UCM ngayon taon, Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa Lahat ng Bata!, kung saan ito ay pinagtagumpayan ni Kaiha Hannah B. Chambers, ng R. Conception Montessori School, pumangalawa naman si Myles Romelyn C. Peñaflorida ng Lumbang na Matanda National High School at si Carl Justin O. Ularte ng Batangas Province Science High School ay pumangatlo. Sila ay nagkamit ng 4,000.00, 3,000.00 at 2,000.00 ayun sa pagkasunod - sunod habang ang mga nakilahok na ‘di pinalad na manalo ay nagkamit ng 700.00. bawat isa. /Louie L. Gutierrez

Last Updated (Wednesday, 02 January 2019 12:47)