Get Adobe Flash player
Friday, 18th of January 2019
Home INFORMATION News Programang Pangkaligtasan, Handog sa mga Barangay

Programang Pangkaligtasan, Handog sa mga Barangay

barangay-disaster-response-trainingNagsagawa ng Barangay Disaster Response Training ang lokal na pamahalaan ng Calaca na nilahukan ng mga 40 barangay kabilang  ang mga opisyal, barangay tanod, BHW at iba pang mga indibidwal. Ang nasabing programa ay pinangunahan ng MDRRMO katuwang ang Red Cross - Batangas Chapter na naglalayong magbahagi ng kaalaman upang mas mapalawak ang kamalayan ng bawat volunteer ng barangay na sila namang magbabahagi sa mga nasasakupan. Ito ay ginanap sa Municipal Hall ng Calaca na nagsimula noong ika-12 ng Nobyembre at matatapos sa ika-15 ng Disyembre taong kasalukuyan.

Layunin din nitong mapalalim ang kaalaman sa posibleng maging aksyon sa oras ng kalamidad. Kabilang dito ang pagbibigay ng first aid, basic training for first aider, at pagbibigay ng CPR. Kaugnay nito, hangad ng pamahalaang lokal na mapataas ang bahagdan ng kasanayan ng bawat mamamayang Calaqueno.

Alinsunod sa RA 10121 o Philippine Disaster Reduction Act (Sec.3) na naglalayong magkaroon ng wastong kasanayan ang bawat indibidwal sa pagbibigay lunas sa panahon ng sakuna. Maliban dito ay maging kaagapay ng MDRRMO sa matagumpay na pagsasagawa ng layunin. Sa pagtatapos ng programa, inaasahang magkakaroon ang bawat barangay sa bayan ng Calaca ng kanya- kanyang first aid kit o gamit sa pangunang lunas.  /Rosa Marie Vidal (CSHS Immersion Trainee)

Last Updated (Monday, 10 December 2018 10:41)